I ♥ NURSING!


The stress I encountered this past few days in bullets:

  • Wednesday to Friday PM shift. 2-10pm at Manila Doctors. Past 10pm na ko umaalis ng ospital. Let’s say 10:15 na hindi pa tapos ang endorsement. So like 10:30pm na ko makaka-alis dun. Makakarating ako sa bahay ng 11:45pm or latest na talaga yung 12:10am.
  • Pag uwi ko sa bahay, haharap ako sa maraming papel para sa thesis ko. Revise, read, study, and repeat. Hindi ganun kadali yun kaya minsan inaabot ako hanggang 3-4am bago ako matulog. Pag hindi ko na talaga kaya, iidlip ako at gigising ng 5-6am para ituloy.
  • From that time hindi na ko matutulog. Deretso kain, ligo, at ayos na for duty. Then repeat all steps again.
  • So like in three consecutive nights 6 hours lang ang tulog ko. 2 hours each. Minsan hindi pa husto yan. Pag-asa ko na lang talaga weekends para makabawi ng tulog.
  • But no! Friday night from duty, kinilatis ko pa ulit ang thesis ko and sinulat ko sa mas maayos na papel ang case study ko. Umabot ako ng 4am. Nagising mom ko and pinaalala niya na naka-schedule siya for eye operation and we have to be there at 8am.
  • 4:30am na ko nakatulog nun tapos ginising ako ng 6am. Okay. Ang sakit ng ulo ko nung mga oras na yun. Nag-ayos na ko bigla. Hindi na ko kumain ng breakfast. 
  • After operation, the doctor told me to administer medication every hour. EVERY HOUR! Okay fine. Extended ang duty ko sa bahay. 5pm na kami nakauwi.
  • Then my tita reported my cousin’s high grade fever. Of course, sa akin lalapit ang mga tao dito dahil ako ang student nurse. WALA AKONG KARAPATAN UMANGAL KAHIT GUSTONG-GUSTO KO NA MATULOG. 
  • Unstable ang temperature so naka-monitor ako hourly din. So dalawa na minomonitor ko nung Saturday. 
  • Hindi pa tapos ang case study ko at thesis. Mahaba yun, maraming parts at kailangan ko pa gawan ng powerpoint. But because dalawa ang pasyente ko na inaalagaan at tinitignan every hour, hindi ako mapirmi sa harap ng laptop, papers at books ko. Siyempre kailangan kong lagyan ng allowance ang oras ko para hindi mag-overlap or ma-late ang pagbigay ko ng gamot sa mom ko at sa pinsan ko.
  • Parang nasa ospital lang ako mula pa nung Saturday hanggang NGAYON (Monday). Nasa check-up na yung pinsan ko ngayon at hindi na ko sumama kasi sabi ko I really have to finish everything. Saka walang maiiwan sa mom ko kaya iwan na lang ako dito sa bahay. 
  • Kutob ko na-dengue pinsan ko kaya inunahan ko na ang doctor na i-restrict ang diet ng pinsan ko. Haha! I have the knowledge at confident ako. DAT EDCF. Gets? Sabi ko pa last Sat na wag muna magpakuha ng dugo kasi kung dengue man, hindi pa makikita agad ang manifestations. Pero dahil sa hindi stable ang temperature, ngayon ko na sila pinapunta sa doctor at I’m sure, pareho lang kami ng sasabihin nun. About the diet, it’s Diet As Tolerated Except Dark Colored Foods. Yan.
  • Hanggang kagabi puyat na puyat ako dahil naghahabol ako ng oras para ma-submit online ang case study ko sa head nurse ko. Part 1 pa lang naipasa ko kagabi bago mawalan ng kuryente.
  • Now, I’M DOING MY CASE STUDY, REPORTS, AND REVISIONS.

Ma-stres man ako o magkasakit ng paulit-ulit, priority ko ang health ng mga tao dito sa bahay bago ang trabaho ko sa school. It’s time to continue what I’m doing. I just love taking care of people. I ♥ nursing!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s