NURSE NIKKI IN THE FUTURE ♥


Hindi dahilan ang sobrang antok, sama ng pakiramdam at katamaran para hindi makakilos ng maayos sa trabaho. Minsan kailangan mong kalimutan ang sarili mong problema para makapagsilbi ka sa iba. 

Siguro nga ito na ang panahon para masabi ko sa sarili ko na kailanman ay hindi na ko magrereklamo sa kung anong kurso ang kinuha ko. Kung anong landas ang tatahakin at mararating ko, ipagpapasalamat ko ng buong puso.

Huling gabi ko sa Manila Doctors kanina at hanggang sa pag-uwi ko ay naaalala at inaalala ko pa rin ang dalawang pasyenteng matagal kong inalagaan. Hindi ako pwede magsabi ng mga pangalan at sakit nila kaya sorry. I’ll just call them “lola” and “tatay”. Ganyan kasi ang tawag ko sa mga pasyente kong medyo may edad na sa akin. Kung hindi man ganyan, mommy o daddy ang tawag ko pag may tiwala na sa akin ang pasyente at ang mga nagbabantay sa kanila. Sa una kasi sir o ma’am lang ang tawag ko eh pero sa dalawang pasyenteng highlight ko ngayon, masasabi ko na kasama sila sa mga pasyenteng hinding hindi ko makakalimutan.

Natutuwa ako dahil lalabas na si lola ng ospital bukas. Kaya hindi ko siya makakalimutan kasi sa kaniya ko nakita yung pagmamahal ko para sa mommy ko. Para bang nagawa ko sa kaniya yung ginagawa ko sa mommy ko pag may sakit. Kung pano ko hagurin ang masakit na likuran, nangagawit na braso, at namumulikat na binti. Lahat ng nagawa ko sa mom ko nagawa ko kay lola. Lalo na nung nagpakamot siya ng ulo. Naka face mask kasi ako every time I enter the patient’s room to protect them and myself as well from any other sickness. While combing her hair with my fingers and slightly massaging her head, nakangiti ako. Hindi nila nakikita dahil naka mask ako pero nakangiti ako. Naiisip ko na kaya ko pala talagang mag-alaga ng taong hindi ko naman kakilala. And that moment made me realized that I can love and take care of my patients the way I love and take care of myself and the people really close to me. 

Si tatay naman, ang tagal na niyang naka-confine. And every time I visit him in his room and ask if he’s okay and what he feels, I can feel his sadness. And every time I ask him questions, I know that he’s having a difficulty in answering me back because of his condition. But something made me grateful having him as my patient. It’s still unknown pero hanggang ngayon iniisip ko pa din siya and sana katulad ni lola, makalabas na rin siya ng ospital. One thing made me proud of myself was when I interviewed him with his wife, I made him somehow smile and laugh a little. Isang maliit na bagay para sa iba pero para sa akin malaking achievement. Mahirap patawanin ang taong hindi ka naman kilala. Lalong lalo na pag may karamdaman. Di ko inaasahan na makakapagpatawa ako ng adult patient. Kung bata yan, madali lang patawanin. Pero ang mga may edad na, hindi ko talaga inaasahan na ako mismo ang nakapagpa ngiti sa kaniya. 

Right now I’m still smiling and thinking about them. I’ll include them in my prayers. Hopefully makarecover na sila agad. Natutuwa kasi ako sa sinabi nung anak ni lola na gusto niya mag nurse para may marunong mag alaga ng katulad ng pag-aalaga namin sa mama niya. Marami daw siyang natutunan every time na sasabihin ko kung anong gagawin ko kay lola. Ganun din yung asawa ni tatay. Laging nagpapasalamat sa akin bago ako lumabas ng kwarto at magpainom ng gamot. 

Hay! I’ll miss them. I know they are in good hands. They’re in one of the best hospitals in the Philippines kaya I’m sure, they’ll be alright. Kanina ko na tinodo lahat. Kahit antok na antok ako at masama ang pakiramdam ko, nahaplos ko pa rin sila, napainom ng gamot, at lahat ng dapat gawin ay ginawa ko na para guminhawa ang pakiramdam nila. 

Realization: It’s really not hard for me to love and give care to people. Regardless of where they came from and who they are. 

This is a skill.

This is my character. 

This is Nurse Nikki in the future.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s