POSITIVENESS TURNS OUT TO BE CRAZINESS


I was so tired last night to visit my blog and share something that had happened to me yesterday. So bago ko pumunta sa duty, sasaglit muna ako dito para magkwento. Yesterday was a happy day for me. Actually halo eh. But lamang ang happiness ko kahapon so wala akong reklamo. Hahaha!

Monday night I slept early because I woke up around 1:30am yesterday and continued my paper work. Tuloy-tuloy na yun hanggang sa pumasok ako sa school at 8am. So wala na kong tulog. Sabak agad sa exam nang walang aral-aral. Nagbukas nga ako ng notebook pero dinadaldal naman ako nung prof ko kasi sinabi ko sa kaniya yung mga allergies ko. Well then, I ran through my notebook’s pages and really never read at least a complete page. Wala lang. Binuksan ko, naglipat ng pahina at yun. Sinara ko na ulit tapos exam na. Sa resulta nun, nagkulang ako ng one point para pumasa. NAKAKAINIS! Di ako naka-get over sa grade ko. Tsk. But at least hindi yung sobrang bagsak na mahirap habulin. Mahahatak naman ng quizzes ko yung exam ko eh. Hahaha!

After that, may 10 minutes break bago simulan yung next exam. Di na naman ako nag-aral. Nag-elect na kasi ng SC officers eh so I have to vote. At first time kong bumoto ng mga taong di ko kilala. Nakakatawa talaga. Yung president na papalit sa akin di ko kilala. Kahit isa sa mga tumakbong officers, di ko kilala. Sorry na sa laging wala sa school. Hahaha! Once a week lang akong pumupunta sa school kasi madalas nasa ospital ako. Anyway, ayun. Dinaan ko ang boto ko sa mga candidate na magaganda ang pangalan. So if the name sounds not good enough to my ear, sorry. Di kita iboboto. HAHAHAHA! Takte! Natatawa talaga ko. Basta kung sino man ang pumalit sa akin, ayusin niya trabaho niya. Kung pano ko minahal ang mga officers ko dati dapat ganun din niya mahalin magiging officers niya. And! Being a president is not just a position, it’s an action. Kaya good luck sa kaniya.🙂

Here comes the next exam. Mas madali compared dun sa nauna. Pero hindi talaga ako nagreview. I took it for like 30-40 minutes siguro and nagulat yung prof ko. Tapos ayun. Bago mag lunch, nagcheck na siya. At tinitignan ko kung gano karaming check yung nilalagay niya sa papel ko. HAHAHAHA! Kinakabahan ako kasi nga kutob kong baka sumablay na naman ako kasi di ako nag-aral. Nung inabot niya  yung booklet ko, woah! Pasado! Natuwa ako. Hahaha! So there. Nabawi ko sa ibang subject ang failed kong exam. One point na lang kasi yung isa eh. Tsk. Kainis. 

Lunch break! Kasabay nun ang pagpiprint ng last exam questionnaire namin. Yun ang malala. Hindi talaga ko nag-aral dun. At ang possible questions ay simula pa nung first year ako. Competency Appraisal, dun malalaman kung gano na kami ka-competent as a student nurse. So random questions and topics ang mga nasa exam. Wala namang book ang subject na yun. Basta! Kung hindi ko kayo ka-course, hindi niyo talaga ako maiintindihan pero that subject is one of the steps in preparation for the board exam.

While taking the exam, ang ingay sa room. Bwisit! Di ako makapag concentrate. Tama bang dun magdaldalan yung lecture prof ko at yung clinical instructor ko?! At ang lalakas pa ng boses. Hahaha! Nagtatalo sila kung ano at saan ang seminar na gagawin namin. So ako tuloy paulit-ulit nagbabasa ng tanong sa exam. Ayoko kasi ng maingay. Hahahaha! Naiistorbo ako. At nagulat ako nung may computations na lumabas. Yung calculator ko wala! Hahahaha! Kainis. Nagpaalam ako kung pwede gumamit ng scratch paper. Kasi ayoko na makulangan ng one point. Hahaha! Dun ko talaga na-realize na mahalaga ang isang puntos para makapasa. Ayun. Pinayagan ako mag manual computation. Ang masama, may kulang sa formula na ginamit ko. HAHAHAHA! Badtrip talaga. LOL. Yung feeling na yung sagot sa computation mo wala dun sa choices. So ayun. I used the power of estimation. HAHAHA! Kainis talaga. Wala akong problema sa drug computation eh. Namroblema ako sa conversion ng celsius to farhenheit and vise versa. Hahaha! 

Nung nagpasa ako, naka smile sakin yung prof. Kasi huli akong natapos eh. Usually kasi ako una matapos pag exam. EH KASI PO MA’AM YUNG COMPUTATION! Hahaha! Nagcheck na siya ulit habang inaayos namin yung seminar na plano namin sa October. Ayun. Tapos biglang sinabi nung prof na nag-aassess na siya kung papasa ba kami sa board exam o kakayanin ba namin pumasa. Natigilan kami nung kaklase ko tapos tinanong namin kung kaya ba. Not that high score pero kaya naman daw. So parang natakot ako dun sa sinabi niya. HINDI PWEDENG GANUN NA LANG! NO! Yun agad tumakbo sa isip ko eh. Good thing na kaya naman daw namin pero siyempre yung grade ang habol ko. 

The prof handed us our textbook. Dahan-dahan ko pang binuklat kasi kabado ako sa resulta ng huling exam. Mind you, dun malalaman kung competent na kami eh. At kung kaya na namin pumasa sa board exam. Feeling ko kasi sasablay ako dun kasi wala akong aral. Inatupag ko thesis ko these past few days kaya di ko naasikaso yung mga subjects ko. But woah! Eighty-two percent is not bad! Random questions and interventions yun kaya natuwa ako dahil naipasa ko kahit di ako nagreview. Dun ko nalaman na nasa tamang kundisyon pala ang stock knowledge ko. Hahaha! Pati computations ko na inestimate ko, tama. Haha! Sana sa midterms mas mataas na grade ko.

After all exams, sabak agad sa lecture. Naka ilang lipat kami ng room bago kami naging stable. At dahil dun nabaliw ako. Hahaha! During breaks, may naalala akong funny video. At natatawa ako sa video na yun pag naaalala ko. I shared it to my classmate pero nauuna yung tawa ko bago yung kwento. Parang dalawang salita pa lang yung nasasabi ko tas tatawa na ko. And I can’t help myself from laughing. Sobra. Sumakit talaga lalamunan at tiyan ko sa kakatawa kahit ako lang yung nakaintindi nung kwento ko. Pero tawa rin sila ng tawa. Hahaha! 

Ganun talaga pag stressed. Idaan na lang sa tawa. It’s the best medicine! Nagkanda-leche leche tuloy score ko sa prioritization. Hahahaha! Kainis. Pero okay lang. Babawi ako sa next quiz at midterm exam. And when I say bawi, BABAWI TALAGA AKO! Ayun. To be continued na ang lecture next Tuesday. Di natuloy ang pakikipag-usap sa dean dahil di pa niya nababasa yung revised thesis namin. So uwi na.

Nagulat ako kasi nandun na pala mom ko sa parking lot. Susunduin namin mga pinsan ko so like tumagal ng ilang oras ang paghihintay. Ginabi na sa daan, na-traffic, na-bored ako, nainis ako sa ingay ng boses ng mom at pinsan ko kaya yung iPod na lang ang solusyon ko. Then I composed a text message and sent it to all my friends.

Yay! At last, bye Philippines na talaga! I’m leaving next week for Australia. It was a great surprise! Akala ko ma-deny ang mga papers ko. I’ll be staying there for good. Sorry if I didn’t tell you earlier. I promised myself not to tell anyone unless it’s confirmed. Thanks & hope to see you again. I’ll surely miss all of you🙂

-Sulat. Napulot ko sa daan. Hahaha! One crazy eve to y’all!😀

Ayan. Ganyang ganyan yung text ko. Natawa ako sa mga reaksyon ng mga nagreply eh. Na-victim ko sila. Hahaha! Ayoko na. Di ko na uulitin yan. At di na ko mag-gGM. Nag joke lang, namura pa. LOL. Hahaha! Buti pa bestfriend ko, tumawa lang tapos sinabi na akala niya totoo. Yung iba namura pa ko eh. Pero naisip ko na ayaw niyo ko umalis. HIHIHI! Kinikilig ako. Hahaha! 

Ayaw ako umalis pero… HAHA! Ayoko na lang ituloy. Mahaba na tong post ko. May duty pa ko. Osya. Till next time, readers! Hinabaan ko na talaga dahil ilang araw na naman akong di makakapagkwento.

TAKE CARE! :*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s