I’M STILL THE SAME


Kung sa loob nga ng isang araw maraming nangyayari, ano pa kaya sa loob ng limang buwan?!

I’m so distracted since Thursday night. Ang daming pinaparealize sakin ng panahon at pangyayari. Ewan ko kung bakit nag-iba na naman ang ihip ng hangin para sakin. Hindi ko alam kung bakit parang co-incidence ang mga naganap or sadyang mapaglaro lang ang tadhana. Lahat ng mga ‘to ay di ko inaasahan. 

Fine. I’m distracted because I keep on thinking about two boys. Yes. I’m a month single now and I don’t plan to fall in love to any other guys out there yet. I’m not yet ready. Hindi ko alam kung mahal ko pa yung ex ko o ano pero hindi pa ko handa para magmahal ng iba. Hindi naman ako uhaw sa lalaki. It’s just that there’s someone waiting for me. He’s just a friend. I don’t have any feelings for him but he’s not hard to love. Madali siyang mahalin pero hindi pa ko para sa ibang lalaki. Hindi ko alam kung bakit. 

Bago pa ko pumasok sa relasyon nung April, this friend and I were dating. Not that formal pero nagkikita kami weekly for the whole month of February. Nag-effort siya to hear mass in our church kasabay ng schedule ko sa choir. At everyday sinisingit niya ko sa busy schedule niya but it only lasted for a month. So like one month dating kami at wala namang napuntahan. It’s okay. Nag-usap naman kami na whatever may happen, we’ll remain friends. I don’t know why he liked me. Inamin naman niya na gusto niya ko at nagbigay siya ng reasons kung bakit. I was flattered but we remained still. Biglang hindi siya nagpaparamdam sakin for valid reasons so akala ko wala na.

After that I met my ex and accidentally fell in love with him. And when my friend knew about it, he was shocked. Ang bilis daw ng pangyayari. Well, ang bilis nga naman talaga pero hindi naman kasi natuturuan ang puso. Mabilis lang din talaga ko magmahal ng tao. Yun ang rason. Anyway, every time na magkakatampuhan kami ng ex ko, bigla biglang nagpaparamdam ‘tong friend ko. Yun bang bigla na lang susulpot sa FB ko para mangamusta and all. Laging ganun. He knew that I was in a long distance relationship kaya lagi niyang sinasabi na iwan ko na daw yung ex ko kasi malayo naman. Or like siya daw muna substitute para di ako nalulungkot. Kung hindi ako matinong babae, siguro pinatulan ko na ang temptation. Kasi mabilis nga ako magmahal diba? But no! Ayoko ng ganun at hindi ako ganung klaseng babae. Lagi niya yun sinasabi sakin every time na nagkakausap kami. Still, I resist. May mahal akong iba so sabi ko hanap na lang siya ng iba. And then he told me that every time na nakakahanap siya, may mahal namang iba or hindi siya gusto. Basta sabi ko na lang, isasama ko siya sa prayers ko para makahanap siya ng babaeng para sa kaniya.

After two months of relationship, my ex and I broke up. Hindi ko alam kung may susunod na kabanata samin but bahala na. Kung sinong may kasalanan, wala na kong pakialam. Ayoko na lang pag-usapan. Pero lahat ng nangyari hindi ko makakalimutan. Biglang sumulpot na naman si friend at nangamusta. Ganun lang. Nangamusta lang naman at binida ang sarili niya at pinipilit ipa-realize sakin na bat kasi pumili ako ng bakla. Hahaha! Baliw talaga. Hindi kasi bakla sabi ko. It’s just that may problema yung tao sa sarili niya.

Then weeks ago, I kept on reading rants from his FB account. Na-curious ako tapos nagworry kasi minsan lang siya magkaganun. Then I asked kung anong problema niya. My friend told me na there’s a girl he really liked but pinaasa lang siya. He told me everything and gave him my opinion about them. Sinabi ko yung mali niya at mali nung girl. Nainis ako dun sa babae. Sobra! Hindi ko kinakampihan yung friend ko pero mali talaga. Ito naman kasing friend ko ang mali, umiral ang katorpehan. Hindi nagsabi na may gusto pala siya. Kaya sabi ko sa kaniya, next time dapat straightforward siya. Kung lalaki talaga siya, kailangan niya magrisk. Mas lalaki pa ata ako sa mga lalaki eh. Ako nga I face all the risks, masaktan o hindi, at least I tried. That’s the spirit! Hindi yung tinatago ang feelings. 

Moving on, upon our conversation, bigla niyang sinabi sa akin na special ako para sa kaniya. Sakin lang daw siya nagsasabi ng problema at ako lang ang nilalapitan niya every time na may pinagdadaanan siya. Totoo naman yun. Kahit nung kami pa ng ex ko, bigla na lang yun magtetext sakin if I can call kasi may sasabihin siyang problema. I’m a friend so to the rescue ako. Sa pagkakatanda ko, after holy week nangyari yun eh. So there, my friend and I agreed to have a date last Thursday. Nanuod kami ng movie. At biglang tumunog ang phone ko and got a message from my ex. What a co-incidence! Palaging ganun! Out of my friend’s curiosity, nagtanong siya kung sino yun. Then I said nag gm lang yung ex ko (di ko naman alam kung gm talaga yun or what. Pero mukha namang gm). Tapos sabi niya, “ako kasama mo tapos kakausapin mo yan”. Edi hindi na lang ako nagreply dun sa text. Oo nga naman. Respeto na lang sa kanya so tinago ko na lang ulit yung phone ko. 

And then another topic popped. Sabi niya, “sige text mo na yan. Sabihin mo kasama mo ko”. For what?! Bat kailangan kong gawin yun? Natawa ko sa reason niya na para daw umiyak. Hahaha! Sira ulo. Bat iiyak yun eh wala na nga kami? Sabi ko hindi na ko mahal nun. Tapos sabi niya, “swerte ko kasama ko girlfriend niya” then he held my hand. Di ko lang masabi na “ex-girlfriend kasi!” Tapos ayun, he requested something na I granted. Aalis na kasi siya papuntang Riyad and that was our last meeting. So sana daw mapagbigyan ko siya bago siya umalis kasi matagal kaming hindi magkikita.

He asked me to be his girlfriend for a day. Alam niyo yung feeling na ANO BA NAMAN ‘TO?! He begged. Really. Hindi ko siya mahal eh. I mean friend lang talaga tingin ko sa kaniya. And I remembered my ex told me something last week. Kaya lalo akong naguguluhan ngayon. But I won’t expect anything. Bahala na. Going back, during our date, mukha kaming mag-boyfriend sa mata ng mga taong nakakakita sa amin. But for me, hindi ko inisip na boyfriend ko siya. Hindi talaga. Basta nakipag-date ako para lang mapasaya siya kahit sa huling pagkakataon. Depressed pa siya so as a friend, I granted his request.

Siguro ngayon nasa plane na siya. After parting ways, di na kami nakapag-usap eh. I wished him a safe trip. Yun lang. About my ex, I think he’s fine now.

Everything is part of my history now. Kung ano man mangyayari sa mga buhay namin, I just hope for the best. Yung friend ko magwowork sa abroad. Yung ex ko nag-aaral pa at busy sa career. Ako, never mind. I just do things according to my schedule. I study, go somewhere if needed, but the rest, I stay here at home and THINK. 

These boys are important to me kahit sinaktan ako at pareho nila kong iniwan. Me? I’m still the same. I will always be here for them.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s