Day 13: A photo of your bestfriends.

This challenge is quite unfair! Why not “a photo of you WITH your bestfriends?” Bakit hindi pwedeng kasama din ako sa picture?! BAKIT?! Well then, I combined their pictures. And I’ll tell the whole blog-world why these faces are posted here. 

Maraming nagsasabi na iisa lang dapat ang tinatawag mong “bestfriend”. Walang basagan ng trip! Eh sa dalawa sila eh, anong magagawa ko? At anong magagawa niyo? Hahaha! Anyway, I have reasons why I chose them to be one of the most valuable persons in my life. Yeah. They are. So, I’ll introduce them to y’all.

Mark Angelo Jimenez. We met way back 2005 and became bestfriends after 2 weeks after the first meeting. Oo. Totoo. Ang bilis noh? Hahaha! Ewan ko ba dito. Hey Boo, kwento ko ah? At baka sakaling nakakalimutan mo na kung pano kaya ilalahad ko na ang konting details. Nagkakilala kami dahil sa choir. Dun lahat nagsimula. Pero yung pagiging mag bestfriend, nagsimula dahil sa ilang gabing pag-uusap sa telepono. Oo. Tama yan. Hahahaha! Natatandaan ko pa. Magkausap kami sa phone at bigla niyang sinabi na “Uy alam mo, gusto kita maging bestfriend.” Edi okay. Mabait naman ako eh. Hahaha! But the only reason why we became bestfriends at the very moment (I think) was, pareho kaming kalog. I mean puro comedy ang peg namin before up until now naman. Pero dun talaga nagsimula yun eh. Walang araw na hindi kami nagtatawanan. Pag dating sa kalokohan, ang bibilis ng utak namin. But seriously speaking, I did a right choice in choosing him and allowing him to be my bestfriend. Hindi naman kami puro na lang lokohan. May serious moments din naman samin at konting drama, konting problema, konting tampuhan (?). Tampuhan? May major tampuhan ba? Wala akong maalala pero siguro little misunderstandings na mabilis din na-solve. The real reason why I made him one of my support system is that, he taught me to strengthen my relationship with God. Hindi pa niya siguro ito alam but that is the main reason. Aside from my family, sa kaniya ako natuto maging optimistic. Yun bang na-realize ko na whatever may happen to me as I continue my life’s journey, God is always here. God made Mark a perfect instrument to shape up my spiritual being, belief, and relationship with Him. I don’t know my purpose for him but this is his purpose for me. Only Mark can answer that.

Kristine Madelo. We met last 2008 and became bestfriends on the same year. Kung papano, hindi ko alam. Hindi rin namin alam pareho. Hahaha! Labo noh? Matagal na rin namin binabalikan kung papano kami naging matalik na magkaibigan pero hindi namin pareho maalala. It just happened. Tatlo kami eh. But due to some reasons, kaming dalawa yung nanatiling matatag. Anyway, siya yung hindi ko inaasahang tatawagin kong bestfriend. Kasi magkaiba kami ng ugali, pananaw, paniniwala o kung ano man. In short, we have a different personality. As in we’re completely extremes. Because we’re on the same field which is nursing, naiintindihan namin pareho kung bakit nga ganito yung mga personality namin. Kung ang friendship ko kay Mark ay puro comedy, kami naman ni Kristine puro seryosong usapan. Nagtatawanan din naman at nagbibiruan pero most of the time, we have serious talks about ourselves and about life. And my reason why this girl is a bestfriend, she’s the only one who presented me the whole me. I mean, siya ang nagpakilala sa akin kung sino talaga ako. Dati akala ko sobrang kilala ko na yung sarili ko, but no. Dahil sa kanya mas nakilala ko pa ang sarili ko. Kristine is God’s instrument to help me figure out things about myself that I’m not aware of. Sa kanya ko rin natutunan kung pano mamili ng mga kaibigang dapat kong bigyan ng importansya. Siya nagsabi sakin kung bakit tingin ng karamihan masungit o suplada ako. And aside from my family and Mark, masasabi kong kilalang-kilala niya ko.

People that come across your life has a purpose. And when you realize why you call someone special, hold on to them. Isipin niyo agad kung anong tulong ang nagagawa nila para maging mabuting tao ka. Me, I don’t know my purpose. If only I’ll think about my purpose to them, siguro exchange of purposes. Like, yung naging purpose ni Mark sakin, yung ang purpose ko for Kristine. At kung anong purpose ni Tin sakin, yun ang purpose ko kay Mark. Ewan. Hindi ko alam. Silang dalawa lang ang makakasagot nun. But one thing is for sure, I AM A BESTFRIEND TO THEM. I will always be their bestfriend. 

My only wish: to have a picture with the three of us. MATAGAL KO NANG HILING TO! Ilang birthdays ko na ang dumaan na pareho silang present pero wala akong pic na kasama ko sila. Well kasi hindi naman sila close pero this will be my 2012 goal.

I love you both! :*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s