LETTER TO SOMEONE I DON’T TALK TO AS MUCH AS I’D LIKE TO


Dear ex-bestfriend,

How are you? It’s been 4 years since I cut all our connections. Grabe noh? Ang tagal na. Sorry ah. Sinaktan mo kasi ako ng sobra. I tried saving our friendship naman diba kahit na ikaw yung may kasalanan. But you lied to me three times. Alam mong ayokong ayoko ng sinungaling. I’ve been good to you. You were. Close na close naman tayo talaga eh. It’s just that may ginawa kang bagay na sumagad sa pasensya ko. Alam kong alam mo na first time nangyari yung ganito sa buhay ko. Yung kalimutan yung tatlong taong pagkakaibigan natin dahil sa kasalanang ginawa mo. It’s just that nagalit ako talaga. Sobra. Hindi ko inaasahan na sayo pa pala lalabas yung character kong ganito. Na grabe pala akong magalit pag niloko at nagsinungaling sakin. 

Ang nakakainis lang kasi kaya tumagal ng ganito yung alitan natin dahil hindi ka naman nagsorry. Nagmalaki ka pa. Alam mong nainis ako dun. Utang na loob ko pa pala? Anyway, matagal na panahon na ang nakakalipas. Matagal naman na kitang napatawad. It’s just that hindi pa tayo pinagtatagpo ulit kahit magkalapit lang tayo. 

Namimiss na kita. Namimiss ko na mga kulitan natin. We were sisters eh. Bahay ko, bahay mo rin. Bahay mo, bahay ko na rin. Ganun tayo ka-close. Sayang. But you know, if ever we’ll see each other again, I’ll hug you with open arms. Okay na ko. Pinatawad na kita, matagal na. Taon nga lang yung tinagal nung sama ng loob ko sayo pero sinasama pa din kita sa prayers ko. Na sana one day magka-usap na tayo ulit. Marami na kong kwento sayo, marami ka na rin sigurong naipon na kwento sakin. But if ever na binura mo na talaga ko sa buhay mo, okay lang. Wala akong magagawa. Basta nandito lang ako handang humarap sayo. Sure akong wala na kong bitterness sayo. Though mahirap talagang makalimutan lahat ng mga nangyari, still. Pinaubaya ko na kay God lahat. Hinayaan kong alisin Niya yung galit sa puso ko. I hope you’ll be able to read this. 

I miss you.

See you soon!

Love,

Your ex-bestfriend

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s