KALABASA


I was able to cook something for lunch! Himala! Hahaha! Ginataang kalabasa with malunggay. Healthy noh? Dapat! Kasi fruits and veggies lang ang kakainin ko plus water. Yeah. Water therapy ako ulit. Kahit magtimpla pa sila ng litro-litrong juice dito, di ko iinumin. Masyado na kong nagsaya sa lahat ng pagkain kaya bawas na ulit. I’ll start hitting the gym hopefully this Saturday. Hello, zumba! Can’t wait to shake it off. Hahaha!

Today is so unusual. Kasi bigla ko na lang naisip magluto. Siyempre with the help of someone who knows. Kung sakaling nangahas ako magluto mag-isa, sayang yung lulutuin ko. Haha! But this time, edible! I’m happy about it. Pagbigyan niyo na ko. Minsan lang ako magluto. Nahiwa pa nga ako dahil sa kalabasa eh. At akala ko ako lang ang kakain ng niluto ko. Natuwa ako kasi kinain din nila. HAHAHAHA! Grabe, para kong kawawa. Do I sound pleasing somebody to eat what I cooked? Naah. Hindi ko sila pinilit kainin yun. It’s just that masarap talaga. HAHAHAHA! Kapal ng mukha. LOL. But seriously, it’s not that bad. Pwede na.

Pwede na mag-asawa… NOT! Kasi naman ‘tong tita ko eh. Naabutan niya kasi akong naghihiwa ng kalabasa tapos sinabi niya sa kusinera namin na “Mag-aasawa na yan kaya nag-aaral na magluto”. Tapos kahapon nagluto din ako ng carbonara kasama tita ko. Ayan. Kung ano-ano iniisip. Hindi na ba pwedeng matuto magluto ngayon? Kailangan may iniisip na iba? Sabi tuloy ng kusinera namin, “Mag-aasawa ka na, Nikkay? Wag muna”.Hindi nga kasi! Bwisit. Sabi ko, “Wala nga akong boyfriend, asawa pa? Kung hanapan niyo kaya ako para di kayo nagmamadali”. Hahaha! Mas excited pa kesa sakin eh. LOL.

The funny thing was, ang dami kong nilagay na tubig sa niyog. HAHAHAHA! Bwisit. Kaya akala ko hindi magiging masarap yung niluto ko kasi sobra sa sabaw. But nooooo! It tasted good.🙂 Uulamin pa ng daddy ko yun mamayang gabi. At ayokong sabihin na ako nagluto baka kasi kung ano na naman ang isipin at kung saan pa mapunta ang usapan. Basta tatanungin ko na lang siya mamaya kung masarap. Hahaha! Too bad I wasn’t able to take a picture of it. Tinamad ako eh. Haha!

I’m hungry. -_- Bawal ang ibang food so tubig na lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s