LETTER TO EX-BOYFRIEND


Dear ex-boyfriend,

How are you? Have you moved on? Hahahaha! Natatawa ako. Eto na naman. Nagsasawa ka na ba makabasa ng mga sulat ko? Sige. Wag mo na lang basahin. Walang kwenta ‘to. Swear! This is for the sake of this challenge kaya ginagawa ko ‘to. But because this is a challenge, I HAVE TO DO THIS. 

Hmmm. What to say now? Wala eh. I mean wala na kasi akong masabi pa para sayo. Parang napagod na ko magsalita ng magsalita ng magsalita at kausapin ka. Wala naman akong mapapala sa ginagawa ko eh. Wala na rin naman akong obligasyon pa so what’s the point? Pero maybe this is the right time to finalize everything. I’ll let everything out (kung meron pa).

If you still remember my previous letter posted here, siguro ang nagbago lang is clear na lahat. No need to explain (though you never did) because I heard everything from someone else. Siguro ngayon masasabi ko na sayo lahat. Ayoko kasi ng nakakasakit ako eh. Puro pahapyaw lang mga explanation mo sakin pero sige, everything accepted. Iba yung sinabi mo sakin at iba din yung narinig kong sinabi mo sa iba. So anong gusto mong mangyari? Anong gusto mong palabasin dun? Alam mo, maraming salamat talaga sayo. Sobra! Dahil dun pinaramdam mo saking mukha akong tanga. Thanks a lot. Really. Hindi ko alam kung anong ginawa kong kasalanan sayo para gawin mo sakin lahat yun. Well, fine. Honestly, akala ko iba ka sa mga lalaking nakilala ko. Mali pala yung akala ko. Sorry ah, nagtiwala kasi ako eh. Nagtiwala akong hindi mo ko lolokohin. Nagtiwala ako sa lahat ng mga sinabi mo. 

After doing this to me, nahihirapan na kong maniwala pa sa lahat ng sasabihin mo sakin. Sorry because you made me do this. Kung meron man akong hindi matanggap, yun ay yung binigyan kita ng chance para lokohin ako. Yun! Pinaniwala mo ko masyado na busy ka sa career. Hahaha! Stupid me. Hindi lang pala career. Well anyway, everything has been said and done. Magpakasaya ka na sa buhay mo. Tutal naman malayo tayo diba? Hindi ko naman alam mga nangyayari sayo at never mo pinaalam sakin lahat ng nangyayari sayo. Hahaha! Talaga nga naman. Buti na lang tapos na. 

I just hope na sana pag natagpuan mo yung babaeng sa tingin mo ay para sayo talaga, hindi mo maramdaman yung naramdaman ko ngayon. Sana hindi mangyari sayo yung ginawa mo sakin. Yun lang. Naaalala ko lang yung sinabi ko sayo nung nasa HK ako na “be good”. Then you replied na lagi kang good. So ano na pala yun? Naniwala ako dun eh. Tapos after a week malalaman kong may iba. Wow! Thank you so much! Let me tell you this, temptation is always there. It’s everywhere. Di mo lang nagampanan yung role mo to be loyal and faithful. To tell you honestly, someone tempted me also. Pero simula pa lang naisip ko na never ako magpapadala sa kahit anong temptation dahil ayokong makasakit at manloko kasi AYOKONG GAWIN SAKIN YUN. But there. Ako pa pala yung nakaramdam. Sana naging sign yun sakin para maisip na there’s something going on with you. Okay. Enough!

Ayoko na. Tama na. 

If there’ll be another day that we’ll be talking again, okay ako. Hindi naman ako nag-iba sayo. It’s just that sinira mo yung tiwala ko sayo. Yun lang. Kung may last advice ako para sayo: wag ka pumasok sa isang relasyon kung hindi mo makakayanan gampanan yung obligasyon mo bilang boyfriend. Kung hindi mo kayang labanan ang temptasyon sa paligid mo, wag muna. Ayokong maramdaman ng ibang babae yung naramdaman ko sayo. Magconcentrate ka na lang sa ginagawa mo. Still, thank you. Bagong experience sakin tong ginawa mo eh. Yun lang. Salamat.

Sana maging masaya ka.

Take care,

Your ex-girlfriend

P.S.

Naka move on na ko after ko gawin ito.🙂 Don’t worry. Okay na kong kausapin ka at makipagkwentuhan sayo ulit. Hindi ako bitter. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s