WE NEED TO CATCH UP


Naniniwala ako na kung sino pa yung madalas mong makitang masaya, tumatawa, mapagbiro, parang walang problema, palangiti o kung ano man, sila yung may mga matinding pinagdadaanan sa buhay. Tinatago lang nila kung anong tunay nilang nararamdaman. Kaya I believe that comedians are problematic.

Setting aside these comedians, I have this old friend when I was in elementary who is so close to me before (we’re still connected, thanks to facebook). But we don’t talk a lot anymore. Pero magkabarkada kami nung grade 5 kami tapos magkasama pa kami sa acting workshop dati. Namimiss ko na siya. Sobrang click kasi ng personality namin dahil pareho kaming kalog. Every weekend magkasama kami sa acting workshop (that my cousins and I only lasted for like 3 meetings) and pumupunta siya dito sa bahay para makipaglaro sa mga pinsan ko. She was a bestfriend. 

Marami na nangyari sa mga buhay namin. The sad thing is, her mom passed away for I think 4 years ago. Nalaman ko na lang a year after through our common friend then ayun. Kamustahan at kwentuhan ng konti. Like me, she’s a blogger. And I’m reading her posts now and found the story when her mom died. Grabe. Naiyak ako. I met her mom before, nakausap na din yun ng mommy ko. Pero dahil sa nagtransfer na kami ng school, unti-unting nawala yung connection namin. Hanggang sa umuwi na siya sa province nila at dun na nagtapos ng pag-aaral. Ayun. Hindi na talaga kami nag-uusap. But because I read her blog, lalo ko siyang namiss. If only I could bring back time and be with her during those days that she needed someone, I’ll be there. Pero wala eh. Too late. Nakakalungkot. 

A part of her post touched me:

“I just whispered to her, ma, kasama mo na si God. Lagi mo akong babantayan. Sorry sa lahat. At magiging teacher ako. :)”

Mababaw ang luha ko sa mga ganyang scenario. Kaya mahirap bilang isang future nurse ang maka saksi ng goodbyes. Yeah. That happened in the hospital. Habang binabasa ko yung kwento niya sa blog, na-iimagine ko bawat eksena. And, nurse pa ang sumubok magrevive dun sa mommy niya. She heard the flat line sound then whispered those words to her mom. At the back of my mind, “very good, friend! Narinig ng mama mo lahat ng sinabi mo”. Yes. Nawalan man ng heart beat at breath sounds ang isang tao, last na nawawala ang pandinig nila.

My friend has a strong spiritual life. Kaya nakayanan niya ang ganung pagsubok. Active din siya sa church nila and almost the same talaga kami ng hilig. We sing, blog, and we love to LAUGH. Baliw-baliw talaga kami noon. Siguro mapa-hanggang ngayon. Hay! How I wish magkita ulit kami. We need to catch up with our life events.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s