LETTER TO COUSINS


Dear cousins, 

Ang dami niyo! Thank you for being my friends inside the house especially to Clarice and Erica. Tayong tatlo ang nagsimula eh. I mean, sa atin nagsimula ang lahat. 1-2 years lang ang gap ko sa inyo and ang tagal bago tayo nasundan. 

I still remember those days when we always attend parties at dinadamay ko kayo sa kalokohan ka-bibohan ko. We always prepare a dance number for everyone. Tayo ang tinaguriang “TRES MARIAS” nila Mr. & Mrs. Reyes. Prinsesa nila tayo diba? All those fun memories are still stored in my mind. Natatawa na nga lang ako pag naaalala ko yung drama nating tatlo nung nag-away tayo tapos maya-maya nag-iyakan na tayo tapos sabi nung isa satin, “wag na tayo mag away-away ah?” tapos iyak na tayo. Hahaha! 

Ang bilis ng panahon. May kanya-kanya na tayong gusto sa buhay. Hindi na uso satin ang kampihan. Damayan na lang at takipan ng mali pag natatakot tayong mapagalitan ni mommy. Hahaha! Wag kasi maglalasing. Alam na maikli lang pasensya ko pag dating dun eh. Sorry kung hindi niyo naiintindihan yung point ko. Magkakaiba pa rin kasi tayo. Ito lang: WAG NIYONG GAWIN ANG BAGAY NA HINDI NIYO KAYANG PANINDIGAN. In short, WAG KAYONG UMINOM KUNG MAHINA TOLERANCE NIYO. Hahahahaha! Sabi ko naman sa inyo, lahat ng klase ng pasyente kaya kong alagaan, wag lang ang lasing. 

Moving on, yung mga sama ng loob ko sa inyo nung mga bata pa tayo na nadala ko ngayong tumatanda tayo, hindi ko pa rin nakakalimutan pero tapos na yun. Thank you pa rin kasi tinuring niyo kong hindi na iba sa inyo. Maybe you’re thinking that sometimes I’m being so unfair with everything. Sorry for that. I don’t intend that to happen. Sinusubukan ko naman magcompromise para iwasan niyong ma-feel yun. Kahit ako gumagawa ng paraan para hindi niyo ma-feel na bakit mas paborito ako and all. Sorry. I really didn’t mean it. Hindi ko naman din gusto maging paborito ako eh. Hindi ko rin naman gusto maging sobrang bibo ako nung bata pa ko kaya sila natuwa sa akin. God made me like this. Wag niyo sana isipin na hindi kayo mahal (ni dad). Dahil kahit puro alcohol na laman ng buong katawan niya, mahal kayo nun. Konting lambing lang. 

Simula nung na-feel ko na ganun ang naiisip niyo sakin, ako na mismo gumawa ng way. Hindi ko kayo inuunahan pag hihingi na kayo ng tuition. Ayos lang magkanda-delay delay ang pag-eenroll ko para lang kayo ang unahin. I know. Kayo ang tunay eh. Wala akong karapatan makipag-agawan sa inyo. Alam ko kung san ako lulugar. Nevertheless, nandito pa rin ako para sa inyo. Hindi magbabago yun. Mahal ko kayo. Sobra. Kapatid na turing ko sa inyo eh. Kahit na ilang beses akong naiinis sa tuwing nauubusan ako ng shampoo, conditioner, make-up at kung ano pa dahil hindi kayo nagpapa-alam sakin, okay lang after. Paiinitin niyo ulo ko dahil dun at hindi tayo magkikibuan, magsusumbatan pa pero ilang oras lang ayos tayo ulit. Tayo-tayo lang ang magiging magkakampi pag dating ng panahon.

Thank you for everything. For understanding me pag ako naman ang sinasabon sa sermon ng mommy. Thank you sa pagtatanggol. I do the same thing pag kayo naman ang naiipit. But! Pag mali talaga, sorry. I don’t tolerate things. Magalit man kayo sakin like what happened before pero at least natuto kayo. Yun lang. 

Oh wait, advance happy birthday for the both of you. I love you, girls!🙂

Love,

Nikki

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s