MAGPAKATOTOO KA, BOY!


Is it really hard for some guys to tell what’s within them? I mean, mahirap bang ilabas kung anong tunay mong nararamdaman? Bakit kailangan niyong gumawa ng dahilan kahit mapasama pa ang sarili niyo, ginagawa niyo? Baliw lang?! Kailangan bang pag-isipan kayo ng hindi maganda para lang umamin? What’s wrong hard in telling the truth? 

Lately, I keep on seeing rants in twitter and facebook (especially ladies) regarding boys who hide their feelings. Ganun naman lagi ang mga babae eh, mahilig kaming magparinig sa mga status. Okay fine. Oo na. Isasali ko na sarili ko (pero hindi naman madalas). Why are we doing that? Kasi yun na yung cue namin para magsabi kayo or mag open up ng kung anong gusto niyong sabihin samin kahit hirap na hirap kayo. Mind you guys, ang tunay na lalaki kayang magtapat. Kalimutan niyo na kung makakasakit kayo o hindi, wag lang kayong paasa masyado sa mga babae. And please. Wag niyo naman kami gawing tanga. Obvious na, dami pang gagawing palusot. Wag masyadong defensive, dun kayo laging nahahalata. Hey, I’m not speaking for myself here okay? Baka ulanin na naman ako ng intriga nito eh. I’m just inspired to write about this kind of topic kasi uso ang PBB Teens. Lolwhut?! Hahaha! Anong connect?! Seriously, ang dami ko kasing nababasang kung ano-anong bitterness sa facebook at twitter. Pati dito sa tumblr nakakabasa na rin ako so ayan. My thoughts were made.

This happens usually with couples. Couples pa nga ba o hiwalay na? Well siguro both. Boys, halikayo dito. May sasabihin ako sa inyo. 

“MAGPAKATOTOO KAYO! UTANG NA LOOB!”

Wag masyadong torpe. Imbis na maging kayo ng gusto mong girlash, mawawala pa yun dahil sa kabagalan niyo. I’m telling you! Go tell her what you need to say STRAIGHT TO THE POINT! Wala ng paligoy-ligoy pa. Siguro naman you have all means to approach the lady diba? We like boys who are straightforward especially when it comes to expressing one’s feeling. Stop those pick-up lines. Nakakakilig pakinggan pero hindi niyo alam na pinagdududahan kayo ng babaeng pinagsasabihan niyo nun. For me, ayoko ng dinadaan ako sa puro pick up lines. Hello? Wala kang originality? Hindi mo ba kayang sabihin sakin kung anong laman ng puso mo? Naks! Oo. Ganun talaga dapat. Ang dating nito parang dala ko ang bandera ng mga kababaihan eh. Haha! Chos.

Tell me if I’m pointless. Life is too short so go tell what you feel, gentlemen. Baka nandiyan na, mawawala pa dahil sa mga kakornihan, kabagalan, at katorpehan niyo. Be straight! Wag kayong babakla-bakla. Haha! Sorry for the term. Tama na yung kunyari GM pero sa isa lang pala isesend. Wag ganun. Papansin yun parekoy. Mas matutuwa ang babae kung makakatanggap ng “out of the blue” message straight from your heart. Stay away from old quotes. Create your quote! Yung hindi copy-paste. 

Be creative, be real, be a MAN.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s