LETTER TO PARENTS


Dear mom, dad and papa,

Thank you for everything. Without you I’m nothing. What I am now is all because of you. For the extreme support that you’ve given me through ups and downs, I will forever cherish every advice that you told me. It’s the most important lesson that I’ll carry on throughout my existence and pass on to my future children. Sorry for hurting you because of my stupidity, hardheadedness, and simply being imperfect. 

Minsan nawawala sa isip ko yung mga pangaral niyo kaya nagkakamali ako. Sorry. Really. You know how I handle my own problems. Hindi ako nagsasabi. Ayoko lang madagdagan yung problema niyo. I know you worry, but please understand why I’m doing this. Believe me when I tell you I can. I’m sure about that. I can do things I know that’s beyond my reach. Kaya ko naman po tumayo sa sarili kong mga paa. I’m 21 this year. Thank you for making me your princess (teary eyes). Nakukuha ko hindi man lahat ng gusto ko pero you provide me things that I need and want. But you taught me how to be humble. Kayo nagturo sakin na wag magyabang sa kung anong meron ako na wala ang iba. Lahat ng ito pwede mawala. 

Because of you I live in a big house. Dahil kung tutuusin, nakikita ko ang sarili ko sa mga street children na namamalimos sa kalye. Walang bahay, walang pagkain, walang magulang na sumusuporta. I’m so thankful even if sometimes I get so much affected when you fight. Wala man lang akong magawa every time na nag-aaway kayo. I remember when I was little, pag nag aaway kayo (mom and dad) sa hating gabi, nagigising ako. Wala akong magawa kaya iiyak na lang ako ng hindi pinapakita sa inyo. Ayoko kasi na nag-aaway kayo. Kaya ngayong malaki na ko, sanay na ko. Still, wala pa rin akong magawa kundi ang magbigay ng payo kung pano natin iintindihin si dad. 

Dad, you know how much I love you. Honestly, I get annoyed every time you’re drunk. But still, thank you for being a good provider. Mas naging paborito mo pa ko kesa sa mga tunay mong apo. For my entire student life, ikaw na ang gumastos. Konti na lang dad. Gagraduate na ko. Ako na ang gagastos para sa sarili ko. I will always be your private nurse. Kahit na kasalan mo lahat kung bakit nagkakaganyan ang katawan mo, still nandito lang ako na mag-aalaga sayo. Sorry kung sinisi kita kung bakit nagkanda bagsak-bagsak ako sa isang major subject. Pinilit niyo kasi akong kunin ang kursong hindi ko naman gusto. Pero ngayon, hindi na kayo bumabata ng mommy. Para sa inyo rin pala kung bakit nagpatuloy pa rin ako sa course na ‘to. God has a reason for everything. And dad, God made you His instrument to help me be what I am now. Kundi dahil sayo, hindi naman ako makakapag-aral eh. Maraming salamat po sa pagmamahal. 

Papa, hindi man tayo laging magkasama at minsan sumasama ang loob ko sayo, still I can feel your love and concern for me. Ikaw ang naging dahilan kung bakit nakakaranas ako ng magandang buhay. Namana ko sayo ang pagiging straightforward sa mga bagay-bagay. Namana ko rin yung katarayan mo. Thank you for understanding me when mom and dad can’t. Ikaw lagi yung “resbak” ko. Ikaw yung unang-unang sumusuporta sa kung anong desisyon ang gagawin ko. Sorry if I’m not that open. Alam niyo naman yung dahilan ko – takot. But every time I’m in my down situation, kahit mawala lahat ng mga kaibigan ko sakin alam kong nandiyan ka para sakin. Na-appreciate ko and na-touch ako nung ikaw ang unang umiyak nung nasaktan ako. Ganun ba tayo sa tuwing may break-up ako? That was the first time I saw you cry because of me. And nawala lahat ng sama ng loob ko sa’yo nun. Thank you for believing that I’m okay. Salamat po sa tiwala niyo sakin. Hindi ko naman sisirain yun.

Mom, lumipat ka na ng kwarto! Ang dami mong reklamo sa kwarto ko. Hahaha! You’re the coolest lola ever! You may be so strict that my friends misinterpret, but I understand you. Sobra-sobrang pasasalamat ko dahil sayo ako lumaki. Mahirap man mag open-up sayo pero salamat dahil tinatanggap mo mga kamalian ko. Lahat naman ng ginawa kong mali, hindi ko na inulit. Diba? I made sure about that. Pag nagpromise ako sa inyo, tinutupad ko yun. Dahil sayo kung bakit malaking bulas ako. Pinabayaan mo kong kainin lahat ng luto mo. Hahaha! Sayo ako nakakatanggap ng non-stop na mura. Sayo napapalitan yung pangalan ko from Nikki  to Gaga. Hahahaha! I love you, ma. Sobra! Like dad, hindi ka na bumabata. Pero nandito ako lagi. Magpacheck up ka na! Wag ka matakot. Nandito naman kami ni papa na nakakaintindi ng mga pinagsasasabi ng doctor. Basta ma, lahat ng pangaral mo, di ko kakalimutan at hindi ko naman nakakalimutan. Yung arinola mo lang gabi-gabi yung nakakalimutan ko minsan. Hahaha! Lahat nga mga hindi nakikita ni papa at ni dad tungkol sakin, ikaw lang ang nakakakita. Like my crazy side, sinasabayan mo pa ko. Diba nga, magsusuot tayo ng gown pag nag 80 ka na tapos rarampa tayo sa buong Don Jose. Hahaha! Hay. Parang kelan lang. Binibitbit mo ko kahit saan ka magpunta. Ayokong hindi mo ko kasama. Tandang-tanda ko pa yung hagulgol at paglulupasay ko noon nung aalis ka papuntang Australia at kailangan mo kong iwan dito dahil hindi na-approve yung visa ko. Hanggang ngayon pala, sayo pa rin ako nakadepende. Pero siyempre binabawasan ko na yun. May sarili na kong isip, hindi mo na po ako kailangan ituring na baby. Promise! I’ll let you meet the next guy I’ll love. Dadalhin ko na dito sa bahay, as you wish! And I’ll make sure that this guy will be for a lifetime.

I love you mom, dad and papa. Ako pa rin naman ang bibo kid noon. Wag niyo lang ako pasayawin ulit ng macarena. Hahahaha! Tama na po. Graduate na ko dun. Dalawang semester na lang ang kailangan kong tapusin, hindi na ko masyadong dedepende sa inyo. Aakayin ko kayo habang tumatanda kayo tulad ng pag-akay niyo sakin nung nagsisimula pa lang ako. Mahal na mahal ko po kayo.

With all the love and care in the world,

Nikki ♥

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s