FATE MADE ME LOOK BACK


Sadyang mapaglaro ang tadhana. Ayoko na sana magpa-apekto pero sinusundan pa rin ako. Naman tadhana. Ano pa bang gusto mo? Pinapahirapan mo ba ko? Sinusubok mo ba kung hanggang saan ang kalakasan ko? Naman oh. Ayoko na nga umiyak eh. Okay na nga kasi ako. Pero bakit ganito?

Fine. I don’t move on in a snap. I can’t do that. All I can do is to divert my attention to anything and make myself so busy even if I’m not. Mahirap yung ganito. Sa totoo lang. 

One week of break up has passed. Natanggap ko naman na lahat. Okay na ko eh. Lahat ng explanation niya, lahat ng sinabi niya tinanggap ko na. Di na niya ko mahal, sige okay lang. Hihintayin ko na lang mawala yung nararamdaman ko para sa kaniya. Kahit hindi niya sinabing hindi na niya ko mahal alam ko namang hindi na. Wala naman na kong aasahan pa. Ayoko na rin umasa ng umasa. Naaawa na ko sa sarili ko sa paulit-ulit na nangyayari sakin. Hindi ako ma-pride na tao, ever since. Pero nasasaktan din naman ako. Ganun ba pag masyadong mapagbigay at mapag-unawa? Inaabuso na lang?

Sorry. I can’t help but cry. I can’t stop myself not to look back again. I know this is part of moving on but how can I finally move on kung masyado akong sinusundan ng mga bagay na makakapagpaalala sakin tungkol sa kaniya. Pano? I’m open for friendship. Di naman ako ganun kasama para maging bitter sa isang tao habang buhay. Why am I like this? 

I just found out that his facebook account (which was I know hacked) is now activated. Walang kaso sakin kung inunfriend niya ko. Wala naman akong magagawa dun. I just saw the pictures he edited. Bigla kasing bumalik sa mga tags sa akin. Plus mga printscreens and all. The reason why I shed tears again? ALL THE PROMISES MADE WERE ALL BROKEN. Yun siguro ang sumampal sakin ngayon. Parang all of a sudden bigla akong bumalik 3 months ago. Kung pano kami nagsimula at magpakilig ng iba, everything now has changed. Di ko na alam. Ako lang siguro ang nasasayangan. Plus, mas nasaktan ako kasi pati mga naging friends namin inalis niya sa list niya. I don’t like that. Walang damayan. I mean, kung sakin ka galit, ako na lang. Wag na yung iba.

Lahat talaga bumalik sakin. All those fun memories went back. Now, I’m crying. Sabi ko hindi ko iiyakan eh. Pero wala eh. Di ko na napigilan. Hindi ko alam kung maiinis ba ko sa sarili ko o ano. It’s me. I don’t blame anyone about this. Even him. Wala. It’s just that napagtripan lang ako ng tadhana ngayon na kailangan ipakita ulit sakin accidentally yung mga pictures, plus wall posts niya basta lahat bago pa nawala yung facebook niya. 

Ayoko na mag-isip. Ayoko na umiyak. There’s a reason why all these are happening. Only God knows. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s