TEKA, ANG KATI!


Tama nga ang kasabihan na pag biglaan, paniguradong natutuloy. Magka-skype lang kami ng bestfriend ko kanina at nag-uusap lang ng kung ano. May ginagawa din naman ako pero nung sinabi niyang aalis daw siya, bigla kong naisip na sumama. Hahaha! Wala lang. Naisip ko na ubos na pala yung shampoo at conditioner ko. And matagal na rin kaming hindi nagkikita kaya naligo at nag-ayos na ko agad.

Nauna akong dumating sa meeting place kasi walang traffic. Hindi naman ako naghintay ng matagal kasi dumating din si Tin agad. Natawa ko kasi unang una niyang pinansin yung namumula kong labi. Haha! Never pa niya kasi ako nakita mag dark lipstick eh. Puro pa-sweet at light lang ang lipstick ko lagi. Eh wala lang. Just tried my new lipstick. Bumili ako last week ng close to red lipstick. It fits my lips so I wore it earlier. Yun nga lang, nagmukha ako lalong masungit. Okay lang! Para wala masyadong nangungulit. 

We had our early dinner first at Shakey’s. Buti na lang di pa ko naglalunch. Share naman kami sa lahat ng orders and hindi namin naubos. Treat pala niya yun sakin kasi hindi kami nagkita nung birthday niya pero still, nagshare pa din ako kahit papano. Natatawa kami pareho kasi habang kumakain kami at nagkukwentuhan, bigla akong nag “teka”. Bago ko pa sabihin, tumawa muna ko. Hahaha! Tapos sabi ko, “Shet, Tin! Ang kati ng boobs ko.” Hahahahaha! Tapos tumawa na rin siya. Lalo kaming nagtawanan nung sinabi niyang, “Bahala ka diyan. Gawan mo ng paraan yan.” Hahaha! Bwisit! Wala akong magawa! Ulo ko na lang ang kinamot ko, baka sakaling mawala yung kati. HAHAHAHA! Tagal namin maka get over dun. Hay! Enough!

After eating, punta kami National Bookstore para bumili ng mga kailangan niya sa board exam. Ako naman bumili ng manila paper. Oh wait! I donated a notebook! 🙂 25 pesos lang naman yun. I forgot the lady’s explanation about that notebook pero mapupunta naman yun sa mga less fortunate kids. So ano ba naman ang 25 pesos na tulong diba? Pinasulat nung babae yung pangalan ko sa notebook. Kung sino man makakuha nung notebook na yun, sana makapagtapos siya ng pag-aaral. At sana makatulong talaga yun sa kaniya. 🙂 I want to donate more. Pag may extra money ako, magdodonate ulit ako.

Pagkatapos sa SM North, tawid naman papuntang Trinoma. Dun ko lang kasi nabibili yung shampoo at conditioner ko eh. Plano ko pa bumili ng blush-on pero parang sabi ko, next time na lang kasi may nagagamit pa naman ako (mas gusto ko ang lipstick kesa sa blush-on). Hahaha! Powder and lipstick, buhay na ko. Lagi kasi ako namumutla kaya sabi ng dati kong prof, wag ako magpapawala ng lipstick. So simula nun, di na mawawala yun sa bag ko.

There, after I bought my shampoo and conditioner, naghiwalay na kami ni Kristine. Okay na samin yung ganung bonding. After her board exam, mangangapit-bahay na siya dito. Yay! Can’t wait! Haha! As if naman ang lapit ng bahay niya. Hmmm. Malayo pero gusto ko pag pumupunta siya dito. Next time ako naman ang pupunta dun. I had fun. 🙂

*Pictures to follow*

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s