MIDNIGHT TALK


Nagpapa-antok na ko ng bigla kong makitang online ang isang taong may utang sakin. Hindi pera kundi kwento. Haha! The last time kasi na nag usap kami, may ikukwento daw siya sakin soon. Tapos nakita ko pa yung comment niya sa isang fb post ko na plain “kwento” so ayun. Saktong naabutan ko siyang online kaya pinilit ko na siya na kwentuhan ako. Hahaha! Nakulitan na sakin kaya nagkwento na. Dami pang sinabi yun pala magsasalita rin. 

I won’t elaborate our conversation here kasi nangako ako na secret lang eh. Buhay ko nakataya dito. Ipapa-assassinate daw niya ko pag lumabas ang kwento. Hahaha! So ano pang sense na nagblog pa ko kung wala akong kwento diba? Di ko kayo bibiguin, readers. Ganyan ko kayo kamahal. Di ko kayo bibitinin. Share ko na lang yung mga pwedeng i-share. Chismoso din kasi yun dito sa blog ko kaya mahirap na. Hahaha! Baka maka-kutob na nasali na siya dito sa blog ko. Kawawa naman kaya pipiliin ko na lang yung mga sasabihin ko.

Well, bukod dun sa sikreto naming dalawa, pinag-usapan namin yung previous relationship namin. I mean yung latest talaga. I don’t know his ex-girlfriend’s name and I know he doesn’t know my ex’s name too (?). May tinanong siya sakin na medyo di ko nagets at first. Tapos ang ending parang nahuli pa ko mag-deny. Bwisit eh noh. Haha! Ako kasi nagpapakwento tas babanatan ako ng tanong. I just said I never felt to be someone’s my ex-boyfriend’s weakness. Hindi ko alam. Ewan. Siya lang makakasagot nun. Basta sabi ko sa kausap ko na I don’t want to be someone else’s weakness. And I don’t want someone to be my weakness. Tapos bigla niyang sinabi na dun mo mararamdaman kung talagang mahal ka. Siyempre nakipagtalo ako. Hahaha! Sabi ko naman, hindi naman dun masusukat yun. Tapos bigla akong binanatan ng, “Hindi mo ba naramdamang manghina dahil sa kaniya? Pag may hindi kayo okay? Di mo ba iniyakan?” So parang ako, natagalan sumagot. Oo na lang yung sinagot ko. Hindi man exact words yung mga nilalagay ko dito pero yan yung thought itself. 

Humaba ng humaba yung usapan about his perspective and my perspective. Reasons of break ups, how we dealt with heartaches, how we fought to save the relationship and whatsoevers were included. Upon conversing, na-realize ko na pareho pala kaming hindi basta-basta sumusuko. And grabe siya magmahal. Magkaiba naman kasi kami ng sitwasyon. Good thing masaya na siya ngayon kasi may girlfriend na siya ulit. Though napagkwentuhan lang namin yung past niya. Kasi parang hindi pa siya nakaka move on totally and natatakot pa siya. Basta yun. I asked kung ano reason ng break up nila. Then he asked me my reason also. Nagkwento ako konti but not the whole thing. Tapos sabi niya sakin na wag daw muna akong susuko. Sabi ko sa kaniya napagod na ko. Kasi sabi ko ako na lang yung gumagawa ng way para ma-save yung relationship pero paulit-ulit na lang yung nagiging reason. Hindi naman ako yung sumusuko eh, siya. So sabi ko bat ko pa pagpipilitan kung hindi na talaga pwede? Kung ayaw na nung tao? Magmumukha lang akong tanga kaya tama na. 

One question struck me. “Eh hanggang ngayon? Mahal mo pa ba?” Natigilan ako saglit. Nag-isip ako. Napatingin ako sa calendar ko tapos sabi ko oo naman. Tapos nagtanong siya kung nagparamdam pa daw ba sakin after break up. Sabi ko oo. Ngayon lang daw bumababa ang pride kaya daw wag akong sumuko. Ang dami pa niyang sinabi. Ayoko na lang ilagay dito lahat. 

Bakit ba ganito? Ako yung nagpakwento tapos babatuhin ako ng tanong. Ang ending, ako yung nagkwento. This conversation made me think again. Ewan. I don’t want to over think again. Mahirap na masaktan ulit. Come what may na lang. If ever tama nga yung sinasabi nung friend ko, well then. Sige. There’s a part of me that believes in what my friend told me because he’s a man too. May similarities ang mga lalaki siyempre. But still, he’s different from my ex. Kaya ako, bahala na lang. Kung anong mangyayari, ready naman ako always. 

Hay nako. Umaga na naman. Makatulog na nga.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s