TURN OVER


After 2 years of being part of the student council, it’s time to turn it over to my Vice President. Kung meron man talagang karapat-dapat magpatuloy ng term ko, I’ll trust Paulo with the position. Kanina kinausap ko na siya na if ever may re-election of past officers, I’ll take my step down and vote for him. Hindi ko na kasi kaya pang isabay ang council sa dami ng ginagawa ko. Puspusang pag-aaral na kasi ako and part pa din ako ng ibang school organizations like music ministry, school paper and red cross. Kung president pa ko, lahat ng organizations tututukan ko pa. It’ll be hard for me to handle those kaya kailangan ko na i-turn over sa iba yung posisyon ko. Hindi naman ako gahaman sa posisyon. Mas masarap yung ordinaryong estudyante lang. Haha! Tama na yung ilang taong “Ate Nikki” ako ng buong school. It’s not about being popular. Ayoko nga eh. Dahil sa pagiging kilala, nagagawan lagi ng issue. Nagugulat na lang ako dahil may kumakalat na ganito-ganyang balita. Buti sana kung konti lang yung nakaka alam. Eh ang masama marami eh. 

Last year kasi nagulat na lang ako sa sinabi ng mga kaklase ko na may kumakalat daw na chismis sakin sa school. Nung nalaman ko, tumawa ko ng malakas. Grabe lang! Nasa duty pa ko nun nung sinabi sakin yung kumakalat na balita. 

Eto ang chismis: naging kami daw nung vice ko – si Paulo. Naging kami “daw” so it means ex na. Naghahabol daw ako kaya daw ako lapit ng lapit. Tapos ano pa nga? Hmmm. Iniyakan ko daw si Pau at nakikipagbalikan ako. Habang kinikwento sakin yun nung mga kaklase ko, hindi ako makahinga sa kakatawa. Eh pano ba naman kasi. Nung tinanong ko kung kanino nanggaling, sa new student na bading. Talaga nga naman oh. Makagawa lang ng issue eh noh. So nung pumasok ako sa school, kinausap ako nung iba kong officers tapos tinanong kung totoo ba yung kumakalat na chismis. Tinawanan ko lang sila. Sabi ko na lang, “grabe ah! Naging kami pala, hindi ko man lang alam”. Tapos sinabi ko yun kay Pau. Sabi ko, “oy! Naging tayo pala! Kelan?” Nagtawanan na lang kami. Hanggang ngayon, yung nagkalat ng issue, nasa school pa. Nakikipag-usap pa rin sakin na kala niya wala akong alam sa mga balitang pinasabog niya. Pero siyempre di ako kami affected masyado kasi hindi naman totoo.

This Friday, meeting. It’s either retained ang old officers or magkakaron ng election of new sets of officers. Sana baguhin na. Ayaw pa kasi akong pakawalan ni Ma’am Marlene eh. Siya na lang kaya. Hahaha! 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s