NGAYON AT KAILANMAN


Ang sakit ng ulo ko! Naambunan kasi ako kanina nung nakipagharutan ako kay Hugo sa labas ng bahay tapos ito, naiyak ako ng bonggang bongga sa kwento nila Lolo Luis at Lola Auring sa MMK. Ngayon ko lang napanuod kasi nasa party ako nung Saturday tapos umalis ako kahapon kaya ngayon ko pinanuod.

I’m sure you all know the story. Kwento ng tunay at wagas na pagmamahalan. Tumanda na sila pareho, nag ulyanin na si lolo pero hindi pa rin yun naging dahilan para mapaghiwalay sila. That is truly an inspiring story for those people who still believe that true love still exists. I admit, I’m one of those people. Though iba na ang generation ngayon, still. Naniniwala pa rin ako na may isang lalaking nakalaan para sakin. I will have my own “Lolo Luis” and I’ll be his own “Lola Auring”. 

Facebook is so useful. Nasa tamang pag gamit lang talaga. I admire Lola Auring, sobra! Di sila nagkakalayo ng edad ng mommy ko. Kaya feel na feel ko rin yung story and the way Anita Linda acted. Parang si mommy kumilos. But of course, mom and dad has a different love story. May love pa nga kaya sa kanilang dalawa? Yun ang malaking tanong. Well anyway, hindi yun ang gusto kong sabihin dito. Haha! 

Na-touch talaga ko sa story. Ibang klase yun! It makes me hold on to what I believe in. Ganun ang gusto kong love story! Kahit matanda na, nagyayakapan pa. Kahit na humihina ang katawan o ang pag-iisip, nandun pa din yung love. Kaya ganun na lang ako magcherish ng relationship. It’s just that ang mali ko lang, nagmahal ako ng maling tao. Pano sila magiging tama? Ewan ko. Problema na nila yun. Sana lang lahat ng lalaki katulad ni Lolo Luis na marunong panindigan at tuparin ang pangakong binibitiwan. Like when you say “I love you”, mean it. Hindi yung parang wala lang. 

Sana yung mga nakapanuod nung episode na yun, na-inspire din. Siguro tatamaan lang yung mga seryosong tao dun. Pero sa mga mapaglaro at di pa marunong magseryoso, wala lang yun. Anyway, bahala kayo sa buhay niyo. Di ko kayo pakikialamanan. Haha! Sasakit lang ang ulo ko sa inyo. 

Ngayon at Kailanman – theme song nung palabas. Bagay na bagay.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s