EVERY SECOND COUNTS, MACARENA


Saw this on twitter. Linya yan sa Ratatouille eh. Wala lang. Gusto ko lang maging title ng post. Wala kasi akong maisip eh. Yung macarena, secret! Haha! You’ll find out while reading this. I’ll rush this post na para masimulan ko na ang konting revisions ulit ng research ko and magsusulat pa ko ng pathophysiology sa manila paper plus magdadrawing pa ko ng ospital. ALL THAT! Haha! Kaya yan.🙂

Kagabi, nagdinner kami sa old restaurant na favorite na favorite namin before. Dun kasi lagi ang “meeting” ng daddy ko nung hindi pa siya retired. Nung bata pa ko madalas kaming kumain dun. Pero dahil sa mga nagsulputang restaurants, medyo madalang na lang. Kagabi na nga lang kami ulit kumain dun and sobrang kilala pa rin yung daddy ko dun. 

Then I remembered two waiters back then – si Kuya Willie at si Kuya Val. Pero kagabi, di ko na nakita si Kuya Willie. Nasa ibang bansa na daw. Here’s the story. Nung nakita ni Kuya Val mom and dad ko, lumapit siya sa table namin tapos kinamusta niya yung dating nakakasama ng dad ko dun sa resto. We were at a big round table kasi I’m with my cousins and tita plus papa ko pa. So medyo marami kami. After ordering, konting kwentuhan. Tawanan. And it was unusual seeing dad like that na parang walang problema. Kasi sanay kaming lahat na lagi siyang nakasimangot and laging mainit ang ulo at lasing. But last night was different. Maganda ang mood niya. 

Then Kuya Val went back and whispered something to dad. Tapos tumingin si daddy sakin. “Oo. Ayan si macarena.” Sabi ng dad ko kay Kuya Val habang nakatingin sakin. And all of them stared at me. So parang ako nahihiya kasi nga bibong bibo ako nung bata ako. Hahaha! Uto-uto. Eh kasi naman nung bata pa ko, lagi nila ko pinapasayaw ng macarena. Walang angal-angal, sumasayaw naman daw ako. HAHAHA! Kainis. Tapos biglang lumapit sakin si Kuya Val tapos niyakap ako. “Ang ganda-ganda mo na! Dati ang pangit mo eh. Pero ngayon oh, ang ganda mo!” So sorry naman sa pangit nung bata ah. Cute ko kaya! Hahaha! Hay nako. Then I started asking my papa kung bakit ba ko pinangalanang “macarena”. Tinanong ko kung tinuruan ba nila ko or what. Ginagaya ko lang daw pag napapanuod ko sa TV. Hahaha! Shocks. Wala akong matandaan. Basta na lang ako tinawag na “macarena”. They don’t know my name, macarena lang talaga. 

Oh well. What a memory! :) 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s