ORIENTATION 2012


Another school year to start. Another set of new students to know. And another challenges to surpass. Yes. This is your Ate Nikki speaking.

I’m expecting to have an election for this school year’s new set of student council officers. But unfortunately, ayaw nila ko pakawalan. Huhuhu! Gusto ko na ipasa yung position ko kasi gusto ko magfocus sa studies and completion of duty ko as a nursing student. Alam ko kasi na pag na-achieve mo na yung highest position sa council, hindi ka na pwede maging officer ulit. Pero why is the rule changed? Yun ang tinanong ko paulit-ulit sa admin kasi summer pa lang nagpapaalam na ko na bitiwan ang council. But no! They didn’t allow me. Ako pa rin daw. So like two terms ako as their president. Ehh! 

Kahit anong gawin kong angal, wala na kong magagawa. So I have to plan again for the year-round activities. As early as today kailangan ko na magsimula magplano ng activities para pirma na lang ng office ang poproblemahin ko. Time management, here we go again. Uunahin ko na mga proposals para hindi na maging sagabal pa sa lessons ko starting next week. 

Hindi dahil sa tinatamad na ko magtrabaho as an officer kaya ayoko na maging president. It’s just that I have to burn my time in studying. Graduating na ko at kailangan less time na for extracurricular activities. Plus the fact na member pa ko ng music ministry. So another kain ng oras yun. Iniisip ko yung oras ko kasi malayo ang bahay ko. Travel time pa lang talo na ko. Eh ang plano ko talaga everyday is mere studying. Pero wala na talaga kong magagawa. I just have to deal with it. No ifs, no buts. It’s given to me so I have to function well.

Orientation done. Daming bago! It’s my obligation to know them all. Kasi pag na-divide na sila per student organization, ako taga pasa ng announcements. Anyway, natuwa naman ako sa welcome remarks ng mismong president ng school. Very inspiring yung sinabi niya. All about studies and success. It’s being grateful for every opportunity that comes your way. So pag may opportunity, grab it. Minsan lang mangyari yun sa buhay ng tao. Ipagpaliban daw muna yung mga gusto mong gawin sa buhay, basta pag-aaral daw muna ang atupagin. Agree. But still, nasa tao naman yun kung pano niya hahatiin yung oras niya para sa ibang bagay. As long as mas malaki pa rin yung percentage sa pag-aaral, walang problema. Para sakin ah. Ewan ko na lang sa iba.

Time check: 1:28pm at hindi pa din ako kumakain. Gutom na ko! Kaya wala akong gana paliguan ngayon si Hugo kasi gutom pa ko. Baka si Hugo pa makain ko. Hahaha! Joke! Why should I? Love na love ko aso ko. Mamaya paliliguan ko na yun. I’ll end it here na muna. Itutulog ko muna ang gutom ko. Wala kasing food!😐 Nagtitipid ako kaya di ako kumain sa school. Akala ko may madadatnan akong pagkain dito sa bahay, wala pala. So yeah. I’ll wait till my food is here. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s