I’M SICK OF IT, REALLY.


Alam mo yung paulit-ulit na issue na lang yung naririnig mo. Sa tuwing mag-uusap kayo puro problema na lang ang pinag-uusapan niyo. Nakakainis at nakakasawa na. Lahat na ng payo nasabi ko na. Ginawa ko na yung obligasyon ko bilang kaibigan pero nakakairita lang yung paulit-ulit. Sorry. Alam ko dumadating din yung point na ganun sakin pero alam ko kung kelan ako hihinto. Ayoko kasi yung nagiging sagabal sa mga kaibigan ko. I’m not saying na sagabal itong friend ko na ito pero kasi ang negative eh. 

Bestfriend ko ‘to for 4 years at alam ko ang kwento ng buhay niya. Lahat ng paghihirap niya sa buhay alam ko. Ganun din siya sakin. Alam ko na kailangang kailangan niya ng kaibigan ngayon. Pero please! Yung issue 4 years ago ganun pa rin hanggang ngayon. Sinabi ko na lahat ng pwede niyang gawin para lang malampasan yung problema niya pero wala. Parang nabalewala lang lahat ng sinabi ko. Lagi na lang bang ganun? I know mahaba ang pasensya ko pero kung hihingi ka ng advice sakin, ipakita mo na nag-effort kang gawin. Though nagsabi naman ako na hindi ko siya pinipilit gawin lahat ng suggestions ko pero lahat yun naisip ko para lang matulungan siya. 

Kung may problema ako sa buhay, mas mabigat yung kaniya. Sinasama ko siya sa prayers ko para lang si God na mismo ang tumulong sa kaniya. Naiinis lang kasi ako sa sinabi niya na unfair daw si Lord. Uhh! Yan ang pinaka ayokong naririnig. Though magkaiba kami ng buhay nitong best friend ko, may pinagdadaanan din naman ako. Pero kahit kelan hindi ko sinisi ang Diyos kung ano man ang mga nangyayari sa buhay ko. Yun yung gusto kong kainin niya. 

Hay nako. Matutulog na nga lang ako bibigyan pa ko ng iisipin. I’m a friend like this. Once na pagsabihan mo ng problema, magiging problema ko na din. I’ll find ways to help you surpass things. But this, napuno ako. Sobra. Kausap ko siya right now and namura ko pa. I mean gusto ko kasing malaman niya lahat ng hindi niya naiintindihan, na mali siya ng iniisip. Ganun lang. 

Ay nako. Goodnight na nga. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s