A WASTE OF TIME


Another blog night tonight. Dami kong naiisip eh. Marami rin akong namimiss. Marami ring mga pangyayari. Lahat ng yun gusto ko ilagay dito. Makakalimutin kasi ako kaya maganda minsan na nilalagay ko dito lahat para nababasa ko ulit. Haha! Sa mga followers ko, pagpasensyahan niyo na ang kadaldalan ko. Ilang taon na rin naman kayong nagtitiis eh. Haha! Pero thanks sa mga natutuwa sa mga walang kwenta kong posts at kwento (minsan). Di naman ako namimilit na basahin niyo lahat eh. 

Kasi naman kanina ang lakas lakas ng ulan. Alam kong schedule ng duty ko kanina kaya todo ayos ako. And take note: all white. Ganun naman talaga pag duty eh. Puti kung puti. Kaya ayoko ng umuulan. Umalis ako dito ng makulimlim, kung kelan malapit na ko bumaba ng fx saka bumuhos ng malakas yun ulan. Kamusta naman diba?! Badtrip eh. Ayoko kasi ung basa ako saka madumi tignan pag duty. Kailangan ko pa naman tumawid para lang makapunta sa school. Tapos nung nakita ko CI ko biglang sinabing wala palang duty. WOW! As in wow talaga! Kung kelan sinisipag ako saka walang duty. Pag tamad na tamad ako saka sagad-sagaran ang oras ng duty. 

Nasayang lang ang effort kong pumasok. Pati pamasahe at uniform na sinuot ko nasayang din. May lecture muna dapat bago duty eh. Eh yung prof ko sa lecture di pumasok kasi may sakit so tambay lang sa canteen. Tapos biglang sasabihin na nabago pala ang schedule ng duty. Nakakainis lang talaga. Pwede naman kasi magtext na walang duty/prof para naman di na ko pumasok. Ang layo kaya ng bahay ko sa school. Tapos hindi pa ko pinauwi agad para lang hintayin ung secretary para sa attendance sheet. What a waste of time! 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s