THE START


This is it. Tomorrow is the beginning of my first semester – as a graduating student. Konting tiis na lang, gagraduate na ko! Oo! Gagraduate ako! Seryosohang aral na ‘to. Iwas absent and all. Fixed schedule na lahat from Monday to Sunday. I have to use my time wisely. 

Hindi na biro ang 1:4. For those who can’t understand, I mean 1 absent is equivalent to 4 make ups. Yeah. Malupit. So kailangan palakasin ko ang katawan ko para iwas absent. Ayoko na mag absent. Nadala na ko. Hahaha! I really need to be serious this time. 1 year preparation before the board exam. Hindi na masama siguro yun. Pero siyempre sasabayan ko ng matinding dasal ‘to. Walang mangyayari sa’kin kung puro aral lang kung wala namang blessing.

No more lazy me. SANA! Sana magtuloy tuloy yung gusto kong mangyari. So less na muna ang mga ganitong bagay. Siguro I’ll visit sites like this 1 hour per day na lang or basta pag naisingit ko sa schedule. Ilalayo ko na lahat ng temptation sa paligid ko during study hours. I know people will understand naman kung less ang pagpaparamdam ko. It’s about my future! And I know na it won’t make me less of a person or a friend kung medyo babawasan ko ng konti ang oras ko para sa kanila. May oras pa rin naman pero siyempre, priority ko pag-aaral ko. Relationships are still there, don’t worry. May connection pa din naman. It’s just that graduating ako and I have to make this. Thesis pa lang kailangan kong seryosohin. Review pa, duty pa at mga lectures pa. At marami-raming case presentation pa ang sasalubong sa’kin kaya kailangan kong pagtuunan ng pansin ang studies. Plus the fact na student council president ako. Not only in college of nursing pero lahat ng course! So isa pa yan sa kailangan kong bigyan ng pansin. At ang obligasyon ko as a servant of God every Sunday. Di ko dapat kalimutan.

In short, I must have a timetable to follow. Meron naman eh! Handang handa na. Basta kailangan ko focus. I know in the end after making all these, I’ll have time for other things. Kahit maghapong chikahan with friends magagawa ko na. By next year I’ll be free. 10 months! Matagal pa kung iisipin pero sa bilis ng oras, hindi ko na mamamalayan na tapos na ko. And that’s what I’m looking forward – graduation. Naka taga na yan sa noo ko. That would be my inspiration to finish everything. 

Okay. Good night everyone! :*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s