TWO WORDS


Yesterday, I attended the most special day for James and Lei – their magical wedding. Damang-dama ko lahat ng kaganapan kasi hindi ako stressed. I mean every time kasi na umaattend ako ng kasal, wedding singer ako. But this time, I’m an ordinary guest. Nakinig akong mabuti sa homily ng bishop, sa mga testimonies ng proud parents of both groom and bride, at siyempre sinubaybayan ng lahat ang exchange of vows nila. Everything was so perfect! Organized lahat. My mom and I arrived early. Actually sinabayan na namin yung bride nung pumunta sa church. Kapitbahay eh. Pero siyempre nauna kami sa church. So when we got there, I kissed the bride’s parents and brother na sobrang busy sa kaka-coordinate. I’ve seen common friends as well from my choir. Hindi kasi lahat invited. So there, tinabihan ko yung yaya nung bride na sobrang emotional nung nakita na namin yung bride na na handa na to walk down the isle. 

Here’s their story: 

They’ve been in a long distance relationship for 5 years. Laking America yung groom and nagwowork dito yung bride. They are really far from each other. Ang tanging connection lang nila ay telepono at computer. Pictures ang taga kwento kung anong update sa mga kaganapan sa buhay nila. Sabi nila pareho, time, trust, love and communication yung nagpatatag sa pagsasama nila. Mahirap pero kinaya. Mula 2007 hanggang sa araw na bago sila ikasal, puro hardships ang sumubok sa relasyon nila. But they ended in front of the altar and promised in front of the Lord that they will continue their love story together and be a good parents for their future children as part of the Christian community. Kwento pa nung bride na every time na bumibisita yung lalaki dito sa Philippines, they make their time worth it. Kasi ilang araw lang babalik na ulit sa States. College pa sila pareho nun when they started their relationship as boyfriend-girlfriend. Same age sila but ended together. May work na din yung guy sa States ngayon and bago sila nagdecide magpakasal, they made sure na stable sila pareho. 

My conclusion:

Guess what? 28 years old na sila ngayon. My ideal age of getting married. Kaya ang dami kong naiisip kahapon. Maraming questions ang nabuo sa utak ko. In short, I can relate. Hay. Sumakto pa sa previous relationship ko yung kwento nung dalawang yun. Sa tagal kong kakilala yung bride, hindi ko alam yung story nilang dalawa. Pero kaya pala mas gugustuhin niyang nasa bahay na lang at humarap sa laptop niya kasi long distance relationship pala. Akala ko kaya hindi ko masyadong nakikita yung guy kasi busy lang sa work. Yun pala nasa ibang bansa. 

I was really amazed by their story. Sorry kung ganyan lang yung na-share ko dito. Hindi naman kasi ito MMK noh. Hahaha! Kung bitin kayo, let me know. Pagsusulatin ko sila kay Ate Charo. Hahaha!

Kidding aside, dahil sa story nilang dalawa mas lalong naging buo yung pananaw ko na kahit ano pang mangyari sa relasyon niyo o kahit gano pa kayo kalayo sa isa’t isa, basta may tiwala, pagmamahalan, komunikasyon, magtatagal kayo. Plus the fact na may understanding, you’ll have a healthy relationship. Sabi ng nung mommy nung bride na as long as you stay strong for one another, you’ll have a good relationship. If one is weak, the one must stand strong. Tama nga naman. Walang mangyayari kung weak na nga yung isa, magpapaka weak pa yung isa. Ano na mapapala ng relasyon? 

Giving up is not a solution. Sabi nung pari. Pray. Make God as the center of your relationship. You’ll surpass everything if you believe in Him. Hay. Napaisip na naman ako nung narinig ko yan. Every time I enter a relationship, feeling ko ako lang yung naniniwala. Pakiramdam ko ako lang yung kumikilos. Parang lagi na lang akong iniiwan sa ere. Lagi akong binibitin at bibigyan ng mababaw na reason. At this age, aside from giving my time to finish my studies, I’m burning my time also to find someone who’ll stay with me through ups and downs, who’ll love and accept me as a whole, who’ll embrace my weaknesses and the people around me, and someone who has a strong dignity. Yun bang hindi magpapa apekto sa sinasabi ng iba. Kasi ako I don’t care sa sasabihin ng tao sa paligid. For me, isa silang pagsubok. Tinetest ka kung bibigay ka o mananatili kang matatag. I don’t deserve someone who’ll leave me because of this and that. Matagal ko ng pananaw ang mga ganitong bagay. Lalo akong nagtiwala sa paniniwala ko dahil sa mga narinig ko sa bagong kasal, sa mga magulang nila, at lalong lalo na sa sinabi ng mga pari at obispo na nandoon. 

Hindi pa rin mawala sa utak ko yung nakita kong emotions nung kinasal at nung mga magulang nila. Siyempre hindi mawawala ang iyakan. Lalo na yung bride. Ngayon ko napatunayan talaga na mas emotional ang mga babae kesa sa mga lalaki. Kasi nung nag mother and groom dance, mas umiyak yung nanay kesa kay James. Haha! Tapos sa father and daughter dance, siyempre si Lei ang umiiyak. I haven’t seen the groom cry. Kahit nung exchange of vows. Yung bride lang talaga. Tapos sabi ng mommy ko, when the time comes na ako naman ang ihahatid nila sa altar, baka daw bumaha ng luha sa simbahan. Haha! Then naisip ko na, hey! I’ll be 21 this year and 22 na ko next year. I should really be serious in finding for the right man. Sabi nga nila wag hanapin dahil kusang darating. Well fine. Sige. Pero malaya na ko. I mean, malaya naman ako ngayon magka boyfriend. There are instances na siyempre kailangan ilihim for valid reasons. Nasa magkarelasyon yun. 

This made me look back on my previous relationship. Wala lang. Long distance din kasi. Sayang kasi tapos na eh. Though I’m fighting for it and trying to be strong for the both of us pero wala na kong magagawa kung siya yung mismo nag insist at may problema. I don’t wanna elaborate things here but okay naman kami eh. Ata? Ewan. Basta I ended it peacefully. Walang galit or anything. [Enough of this!]

Two Words. This was sang during the bridal march kaya ginawa kong title ng post ko. 

So here. Sa sobrang dami kong naisip, parang ang konti lang ng sinabi ko dito. Hahaha! Everything will be in my mind and I’m sure that I’ll apply everything that I’ve learned for the next relationship I’ll enter. I trust God on this.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s