THERE’S NO REASON FOR ME TO LET GO


If there’s still love.

Ayoko ng marami pang usapan kung hiwalayan lang. Yun ay kung wala ng love. I mean let’s put it this way. Hindi mo na ko mahal, fine. Hiwalay! Hindi na kita mahal, fine. Hiwalay! May mas higit pa sayo, fine. Sige. Hiwalay kung hiwalay. May mas higit pa sakin, fine. Hiwalay! 

Hindi ganun kadali maglet go eh. Depende na lang siguro kung hindi ka seryoso sa relasyon. Ganun lang naman yun eh. Sa edad kong ganito at dami ng napasukang relasyon, parang alam ko na kung san ako lulugar at kung pano mag-adjust pag dating sa iba’t ibang sitwasyon at pagsubok na dumadaan. Iba-ibang tao man yun, siyempre kinikilala ko sila. Hindi naman pwedeng papasok ako sa relasyon na basta na lang may masabing may boyfriend. No. Hindi ko ginagawang pang display ang relasyong pinapasukan ko. At lalong ayoko ng ginagawa akong display. 

At my age, di na ko bagay sa mga puppy love at pure infatuation. Pag naiisip ko mga previous relationships ko lalo na nung high school, natatawa ako. Kasi ngayon kaya ko i-differentiate yung mga nagawa kong immaturities before na hindi ko na ginagawa ngayon. Malamang! Mistakes serve as lesson and inspiration for me not to repeat stupid things. Yun bang mga dahilan kung bakit nag end ang relationship. 

Graduate na ko sa mga mabababaw na dahilan ng break up. Cool off? Naaaaah. Di uso sakin yun. Break kung break. Ganun yun! Wala ng daming arte pa. Kung kailangan ng space para mag-isip, give time. Communication is the key to fix everything left unsolved. Kung meron mang problema, pag-usapan. Ang lahat ay nadadaan sa maayos na usapan. Pag galit ang isa, kailangan magpakumbaba ng isa. Hindi pwedeng pareho kayong galit dahil walang magandang patutunguhan yun. Pagsisisi lang bandang huli ang mangyayari. Ilang beses nangyari sakin yun kaya nag iingat ako. Kung alam kong hindi ako kayang maintindihan, mananahimik muna ako. Hahanap ako ng magandang oras para ipaliwanag lahat. Ayoko lang ng basta-basta at ura-uradang desisyon. Ayoko na ng may pagsisisi.

Tandaan: kung mahal niyo ang isa’t isa at alam niyo pareho na nagmamahalan pa kayo, kahit anong pagsubok ang dumating kakayanin niyo. Pag nawalan ng pagmamahal ang isa, then there’s no reason for the both of you to continue your relationship. It’s hard to love someone who doesn’t love you back. 

Payong kaibigan lang.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s