SILENT CRY


Silence is a girl’s loudest cry. You can always tell she’s really hurt when she starts ignoring you…

Oo nga naman. I agree. Nung nabasa ko to, napa-isip na naman ako. Pwedeng hindi applicable sa ibang babae pero sakin sobrang totoo. 

May mga oras talaga na kailangan mong manahimik para lang umisip ng paraan kung pano ka iiwas sa sakit. Mananahimik ka na lang para umiwas na makasakit at makapagbitiw ng mga salitang bandang huli ay pwede mong pagsisihan. 

“Silence is a girl’s loudest cry…” Kahit gano kasakit yung nararamdaman ko, mas pinipili kong manahimik na lang kahit sumasakit ang dibdib ko sa kakapigil ng luha ko. Ayoko lang ng makasakit ako ng ibang tao. Alam kong mahaba ang pasensya ko pero diba nga may kasabihan na ang lahat ay may hangganan. Hindi habang panahon mahaba ang pasensya ko. Dumarating din sa punto ng buhay ko na hindi ko na kayang itago lahat ng nararamdaman ko. Masyadong problemado? Siguro nga. Madaling itago pag may kasama akong iba. Mas gusto ko na nakikita nila kong masaya kesa sa ganitong hindi ako kumikibo.

Tama nga siguro yung sinasabi nila na kung sino pa yung mukha at laging masayahin, sila yung may kinikimkim na sama ng loob at may pasan na malaking problema. Mahirap ipaliwanag pero totoo. Bihira lang din ako magsabi ng problema at hinanakit. Nilalabas ko na lang pag hindi ko na kaya. Thankful ako kasi uso ang social networking sites eh. Minsan dun ko binubuhos lahat. Tulad nitong Tumblr. Wala akong pakialam kung maraming makabasa. At least sa pag-iisa ko nakatulong ito para guminhawa ng konti ang pakiramdam ko. 

Susulitin ko na ang ilang oras na natitira sakin kaya lulubusin ko ang mga posts ko. So sorry kung mapuno ang mga timeline ninyo ng mga rants ko. Haha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s