WHAT IS IT TODAY?


Minsan kahit anong gawin mong iwas sa isang sitwasyon, pilit ka pa rin nilalapitan ng mga ito. Alam mo yung feeling na ayaw mo magpa apekto pero hindi mo mapigilan kasi napa-isip ka na? Ang hirap ng ganitong feeling. Nakakainis kasi alam ko sa sarili ko na kahit magmukmok ako ng isang buong taon eh wala naman akong magagawa. Denial? Hirap tanggapin? Siguro! Ewan ko. Naguguluhan ako. There’s something I’m looking for but not yet found. Though I know how blessed I am having the things that I own and for having the people around me, I know I lack something.

Napaka moody ko this past few weeks. Iniiwasan ko yung ganitong feeling kasi nagiging unproductive ako. Nagiging negative ako pag wala ako sa mood. Gusto ko naman maging stress-free. Lahat na ginawa ko eh. I mean, akala ko everything will be okay pag nag Hong Kong ako. But no. Parang nakadagdag pa ng sama ng loob ko yun eh. Well yes. Nakadagdag naman talaga. Plus the people around na sumasabay pa sa ganitong feeling ko. Nakakainis. Nakakairita. But I can’t do anything. 

I can’t blame the people around me kung bakit ako ganito. Hindi naman nila ko naiintindihan eh. Kahit anong paliwanag ang gawin ko, kung hindi naman nila nararamdaman, wala rin. Ewan ko kung kilala ko pa sarili ko. KAYA GUSTO KO TALAGA MAPAG-ISA! Malapit ko na gawin yung bagay na hindi ko kailanman naisip gawin. Though madali kung iisipin pero para sakin mahirap gawin. Akin na lang muna yun. 

Darating yung araw na babaguhin ko lahat ng nakasanayan kong gawin. Siguro makakatulong yun para makilala ko pa lalo ang sarili ko. Para mapag-isipan kong mabuti lahat… lahat ng bagay na hindi ko masagot. Lahat ng bagay na hinahanap ko pero di ko matukoy kung ano. Hahanapin ko muna sarili ko. 

Ilang buwan na lang ang titiisin ko at masasabi ko nang tapos na ko mag-aral. Lahat ng paghihirap ko tapos na. Hindi ko alam kung anong klaseng problema pa yung hihintuan ko pero kailangan ko magfocus. Susubukan kong hindi maapektuhan sa mga bagay na kailangan iwasan. It’s hard. Lalo na kung mga mahal mo sa buhay ang pinag-uusapan. Para sakin din naman ‘to. Lahat ng gagawin ko para sakin. Hindi ko muna iisipin yung mga bagay na pwedeng makasira sakin. Kung ano yung meron ako, pahahalagahan ko. Kung may makasakit man, sige bibitiwan ko. Kahit gano man kahirap, gagawin ko. 

Hay ewan. Sobrang dami kong iniisip. I know I’m not alone. God’s with me. With him I can do the things I want… for the better.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s