BUTTERFLY


And yes! Another drama-rama today. Just a random thought to share. Sorry if this post will not be that organized. I’m just typing whatever comes out of my mind. Please understand me. But if you think that this post is just a waste of your time, then stop reading. I don’t please anyone.

Okay. I’ll start. I don’t feel good. Marami akong iniisip. School, family, relationship at kung ano-ano pa. Hindi ko alam kung dahil ba to sa hormonal changes ko kaya napaka paranoid ko o sadyang meron talagang dahilan kung bakit nakaka isip ako ng mga bagay na kahit alam kong nakakasakit sa sarili ko at gustong-gusto kong iwasan, di ko magawa. HINDI KO ALAM. Ang weird kasi kahit ako di ko ma-identify kung anong problema sakin. I need to have a break. I need to have space.

Kaya gusto kong umalis mag-isa. Kung may pagkakataon lang na magtravel ako sa malayong lugar na wala akong kasama. Para lang makapag-unwind at kilalanin ko pa ang sarili ko. My life is different from everyone else. To me, all the things I have now are permanent. Naiisip ko minsan na darating yung panahon na kailangan kong mabuhay mag-isa. Kailangan kong mahalin yung sarili ko at magsikap dahil lahat ng meron ako ngayon pwedeng mawala. This sounds negative. Minsan lang ako mag-isip ng ganito pero totoo eh. 

Hindi ko maintindihan yung sarili ko ngayon. There’s a part of me saying na merong kulang. At yun ang hindi ko alam. Basta alam ko sa sarili ko na kahit gustuhin kong makipag-usap sa mga kaibigan ko, mas pipiliin ko pang mag-isa muna. Ang labo. I know kung sino man ang nagbabasa, nalalabuan sa mga sinasabi ko. Sorry guys. I just can’t explain myself further. Kung ano lang talaga maisip ko, sinusulat ko dito. 

Siguro kaya mahilig ako sa psychology kasi sobrang interesado akong makilala yung sarili ko. Masakit, masaya at nakakamangha yung mga nalalaman ko tungkol sa mga nagiging resulta ko pag may psych test. I’m not after the positive results. Mas gusto ko pang naririnig mga negative results kasi mas nakakapag reflect ako sa sarili ko. Yun nga lang, sa sobrang kaka-isip, sumasakit ang ulo ko. 

Butterfly. Yan kasi yung drawing ko na may negative interpretation na hanggang ngayon iniisip ko. Though interpretation lang naman at pwedeng hindi accurate, still nakadagdag sakin yun ng iisipin. Sabi ko nga open naman ako sa mga negative comments. Pero siyempre di mawawala yung iisipin ko pa rin. Ang gulo talaga! Ewan. 

Basta magpapakasaya na lang ako. Kahit na nagmumukmok ako ngayon at parang tamad na tamad kumilos. Sumabay pa kasi sa monthly period tong psych test ko. At lalong nadagdagan nung may nabasa akong di maganda. 

Enough. 

Tama na.

Bahala na.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s