MISA DE GALLO 2011


Filipinos won’t enjoy the Spirit of Christmas without the traditional “Simbang Gabi”. Marami pa rin ang kumukumpleto sa 9 days dahil may paniniwala na pag nakumpleto mo yung siyam na araw, matutupad yung wish mo. I don’t know. Wala naman masama kung maniniwala ka or hindi. Basta ko, nagwish ako. But my purpose is to really feel that Christmas is near. 

Yung ibang tao kasi basta nagsimula na ang “BER” months at nagkaron na ng countdown sa radyo at TV, damang-dama na nila yung pasko. Ako hindi pa masyado. Kahit na maaga kami maglagay ng Christmas decors at nagpapatugtog ng Christmas songs, hindi ko pa ma-feel ng bonggang-bongga. I feel excited pero iba pa rin pag nagsimula na yung simbang gabi. Dun ko nararamdaman yung malamig na hangin. It’s really hard to explain but the happiness I feel every time I wake up early in the morning just to hear mass is something I can call an achievement. Hindi kasi lahat nakukumpleto eh. Kaya masaya ako na ilang taon ko na kinukumpleto ang simbang gabi.

Bawat araw ng simbang gabi, may mga kaganapan na hinding-hindi ko makakalimutan.

December 16. First day of simbang gabi and last day of school. Yes! Gumising ako ng maaga para mag-ayos ng sarili. I set my alarm at 3am kasi alam kong matagal akong kumilos sa umaga at alam kong maraming magsisimba. Kailangan maaga ako makapunta ng church para maganda yung pwesto ko at makahanap ako ng mauupuan namin ng mga friends kong magsisimba din. Dati-rati dinadaanan pa ko ng mga kaibigan ko para lang magising at magsimba. But this time, kusa na kong bumabangon at never na ko na-late. 

Sobrang aga kong dumating ng church because all I knew was that the mass would start at 4am. Hindi pala! Kaya pala nung dumating ako, wala pang tao. So medyo nangawit ang leeg ko kakalingon kung may kakilala na kong dadating. Okay lang naman sa’kin ang maghintay. 

So ayun. First time kong nakasabay sa simbang gabi ang choirmates ko from Serenata. Although kinukumpleto din nila, iba yung this year kasi kasama ko talaga sila. Magkakatabi kami. Unlike the previous years, nagkakakitaan na lang kami after mass. That was new and I’m happy about it. 

After ng simbang gabi, nakipag-usap pa ko sa bestfriend (Pat) kong nasa States via skype. Miss na miss ko na kasi siya. Siya kasi yung lagi kong kasama magsimbang gabi. Eh dahil sa umalis siya, choirmates ko na yung mga nakasama ko. Okay lang naman din kasi at least nakakapag-usap kami sa skype. Sa tagal naming mag-usap, na-late ako ng dating sa school para sa Christmas party.

Napa taxi ako ng di oras sa pagmamadali only to find out na hindi pa pala nagsisimula yung program at wala pa masyadong estudyante. Hindi ako sanay ng ganun. I really don’t know who’s lacking – me as a president or them as my advisers. Ewan. Basta ginawa ko yung best ko at kumilos ako, okay na sa’kin yun. I was the host of the whole program with my vice president and I know the students and some faculty and staff who participated the games enjoyed. Simple lang ang party. Hindi naman kasi na-plano ng matagal. 

Pag-uwi ko, skype ulit with Pat at natanggap ko yung Christmas card na padala niya which made me cry and miss him even more. Grabe lang talaga yung iyak ko that afternoon. 

December 17. Second day. After ng misa, umuwi lang ako para magbreakfast at mag-ayos ng sarili kasi nagplano kami ng isa kong bestfriend (Mark) na pumunta sa Divisoria para magshopping. So I also expected him to eat his breakfast bago kami umalis. Alam naming pareho kung gano karaming tao yung madadatnan namin dun kaya inagahan talaga namin umalis. Mahirap magshopping ng walang pera. Hahaha! Mahirap din ang ma-short. Kaya bago kami sumakay ng bus, sinamahan muna niya ko magwithdraw para hindi na kami maghanap pa ng ATM pag nasa Divisoria na kami. Then, ready to go!

Bus yung sinakyan namin papuntang Morayta kasi yun ang una naming nakita. Haha! Kung anong unang makita between aircon bus or fx, yun na ang sasakyan namin. Time is gold. Haha! Nakakatawa pa dahil nung naka-upo na kami, biglang may tumulong tubig sa’kin galing dun sa aircon. So lumipat kami. Nung lumipat kami, may sira yung aircon kaya sobrang lakas ng buga ng hangin at nakatutok pa sa’kin. Lumipat kami dahil hindi namin matotolerate yung ganung lamig. Finally, nakahanap na kami ng matinong pwesto. Haha! Iba-ibang season yung naupuan namin eh – rainy, windy and tropical. Hahaha!

Kwentuhan at tawanan habang nasa byahe. Nagpaplano na rin kung saan pupunta at kung anong bibilhin pag dating dun. The ever famous “Divisoria Mall” ni Mark na ilang beses niyang binabanggit sa’kin yung pilit kong iniisip kung nasaan. Dahil 168 at Tutuban mall lang ang alam at lagi kong pinupuntahan dun. Yung Divisoria Mall na sinasabi niya, iniimagine ko na lang. Hahaha! 

Pagbaba namin sa Morayta, nagtake out muna siya ng food niya sa KFC kasi hindi daw siya nakapagbreakfast dahil ang bagal daw ng kapatid niya. Haha! O diba. Sinisi pa ang kapatid. Ayun. Kumakain siya habang nasa jeep kami at pag dating namin sa Divisoria, medyo marami ng tao pero close pa yung mga mall. Yun ang napapala ng mga excited umalis ng bahay. Hahaha! Hindi ko ma-gets yung sarili ko kung bakit hindi ko feel masyado mamili ng damit or anything. Parang ang main reason ko na lang to be there is to accompany Mark. Wala. Sinamahan ko lang siya. Or nangati lang din talaga yung paa ko. Basta! Adventure yung araw na yun para sa’min ni Mark.

Plano ko kasi mag-gym kung hindi kami nag-Divi. Pero dahil sa walang kasama si Mark, gora na ko. Para na rin akong nagworkout sa layo ng nilakad namin. Ang dami naman kasing inaanak ni Mark kaya priority niya makabili ng mga toys. At yun din yung pinunta namin dun sa Divisoria Mall na ilang beses niyang sinasabi sa’kin. Hahaha! Mark is really thoughtful. Parang buong baranggay ata bibigyan ng regalo. Basta ganun siya. Inuuna niya yung iba bago yung sarili niya.

Nung natapos kami sa mga toys, tumingin naman kami ng mga  head dress. Yun daw kasi ang drama ng Triads sa Christmas party. Ayun. Ang dami niyang nakita, ang dami niya sinukat pero ang tagal niyang pumili at bumili. Naunahan ko pa siya bumili ng leopard print na head dress na gagamitin ko naman sa Christmas party ng barkada namin. Kaya nung nakapagdecide na siya dun sa bibilhin niya, naglakad na ulit kami papunta sa 168.

Dun na ko bumili ng mga ipangreregalo ko saka ng damit na isusuot ko sa party namin saka para sa Christmas. Pero siyempre nagutom na kami kaya nag-early lunch na muna kami bago kami umikot ulit para bumili ng mga damit. Basta bigayan kami ni Mark. Pag may nakita akong gusto ko, sasamahan niya ko. Tapos pag siya din, sasamahan ko siya. Mahirap maghiwalay kasi mahina ang signal. Haha! Saka sobrang dami ng tao at bago yung building ng 168 mall kaya magkasama kami all throughout. Hindi din naman kami masyadong nagtagal pa dun kasi may lakad pa ko sa gabi at masakit na yung paa niya.

Ayun. Nung nasa bus na kami pauwi, konting kwentuhan tapos nakatulog na kaming pareho sa pagod. Pag gising ko, nakapatong yung ulo ko sa balikat niya tapos malapit na pala kaming bumaba. Hindi man lang ako ginising. Haha! Kaasar eh. But God is so good. Umambon na nung malapit na kami sa bahay. 

Pag-uwi ko, nagpahinga ako sandali kasi may lakad pa ulit ako with another bestfriend (Kristine). Girl bonding naman ito! Nakaplano na kasi na manunuod kami ng fireworks sa SM North. May pasok pa siya that day kaya nagkita kami sa kanto ng subdivision namin at umuulan. As in umuulan talaga. Pinagmadali pa ko ng gaga, akala ko naman nasa kanto na siya. Only to find out na hindi pa pala umaalis sa school niya. So medyo ang tagal kong nakatayo sa may Metrobank.

Nung nagkita kami at nakasakay na ng fx, pinag-usapan muna namin kung anong plano. So uuwi muna siya para kumuha ng pera. Ang lakas ng paniniwala niya na hindi matutuloy yung fireworks kasi umuulan. Sumama na ko sa bahay nila kesa naman sa iwanan niya ko sa mall na nag-iisa. Medyo natagalan pa kami dahil sa fx at traffic.

Pag dating namin sa kanila, nag-ayos na ko. Hindi kasi ako nakapag-ayos dahil minadali niya ko at nag-exchange gift na kami. Nag-ayos na rin siya at humingi ng pera. So ang plano na lang ay ang magdidinner kami at mag-uusap. Ganun lang. Simple lang ang kaligayahan naming dalawa pag magkasama kami.

Dahil sa pareho namin gusto mag milk tea, dun ko siya dinala sa BubbleTea resto. Puro kwentuhan lang. Tapos sa gitna ng usapan namin, bigla kong narinig yung fireworks. Nung tumayo kami para manuod, sinabi ng waitress na tapos na daw. So okay. Fail! Pero okay lang. At least nagkita pa rin kami bago mag Christmas.

Nung pauwi, hinatid ko siya sa may sakayan nila para ma-extend kahit konti yung kwentuhan namin. Plano pa nga namin magskype pero hindi ko na kinaya sa sobrang antok at pagod. 

December 18. Third day of simbang gabi. Rest day. Hindi ako umalis ng bahay. Dahil sa Sunday, dalawang beses ako nagsimba. Pinagsolo lang ako ng Simeon’s Canticle nung communion. Nagplan na rin kami ng line-up for Misa de Gallo and Christmas eve kasi Serenata yung naka-schedule. Naisip ko na gusto ko kantahin yung responsorial psalm sa Christmas eve kasi 2 years na ko sa choir. Hahaha! Wala lang. Yun lang for that day.

December 19. Fourth day. Pumunta kami sa Tondo ni mom at Cla para ibigay na yung mga regalo for Christmas. Hindi na kasi kami pupunta dun sa mismong Christmas day kasi naka-plano na na sa hotel kami pupunta. Nilaro lang namin ni Cla si Kodie kahit medyo hindi masyadong maganda yung gising. Nandun din yung pamangkin naming madaldal at cute. Haha! 

December 20. Fifth day. Trinoma with cousins and Mark. Main goal ko ay bumili ng dress na susuotin for Christmas eve. Meron na kasi sana akong isusuot pero dahil sa ako ang kakanta ng responsorial psalm, kailangan maayos yung damit ko at kulay white dapat yung top. Natagalan ako sa paghahanap kahit na nauna na kong pumunta dun. Buti na lang tinulungan ako ni Cla humanap ng damit. Actually, siya na nga pumili ng damit na gagamitin ko eh.

Nung nakabili na ko ng damit, nakipagkita na ko kay Mark. Na-plano na rin kasi namin na pupunta kami sa Trinoma para bumili pa ng mga bagay na hindi nabili sa Divi. Niyaya namin siya ni Cla mag Happy Lemon bago kami tumingin ng shoes. Medyo hinahabol din namin yung oras dahil may practice pa kami sa bahay namin. 

Sinamahan ko pa rin siya tumingin ng shoes at magfit ng clothes. Pero nung tinawagan na ko ni mommy, nagpaalam na ko sa kanya tapos sabi ko magkita na lang kami ulit sa bahay during practice. Pumayag naman siya na iwanan ko na muna siya kaya pinuntahan ko na si mommy sa food court. Akala ko naman nandun na yung driver. Yun pala wala pa. Kaya nauna na lang akong umuwi. Nag fx na lang ako. Nakakatawa kasi umuwi na rin pala si Mark. Nagtext na rin sa’kin si Don na nandun na daw siya sa bahay namin kaya buti na lang umuwi na ko. Nagtext rin sa’kin si Mark A. na nasa Trinoma siya with his family kaya late siyang dadating sa practice. Ayun. Magkatext kami ni Mark J. (ANG DAMI KASING MARK EH!) habang nasa fx ako at nakalimutan ko na kung anong mga pinag-usapan namin.

Pag dating ko sa bahay, nagbihis ako at nagpaluto ng food kasi gutom na daw si Don. Pa-isa isa na rin ang dating ng mga members. Habang hinihintay namin maluto yung pinaluto ko, nagpadeliver ng Mcdo si Kuya Alex at Ate Jay tapos nung dumating yung order nila, saktong naluto na rin yung food ni Don. 

Habang kumakain sila, nasabi ko na two years na ko sa Serenata sa 24. Nasabi din ni Ate Jay na dati tahimik lang ako tapos ngayon nagagaya ko na siya pag nagkakamali siya. (I’LL MAKE A DIFFERENT POST ABOUT THIS) After nila kumain, si Don muna yung tinuruan ko ng song habang hindi pa dumadating yung iba. Nagpractice na rin kami ng ibang songs na kasama dun sa line up. Ako muna pumalit kay Mark A. habang wala pa siya.

Practice practice lang.

December 21. Sixth day. Babalikan daw ni Mark yung shoes na nakita namin sa Trinoma. Sabi ko sasama ko kasi bibilhin ko din yung shoes na pinakita ko sa kanya. Unfortunately, tinext ko pala si Don na magpractice kami kasi hindi daw siya makaka-attend ng next practice ng choir kasi may ibang lakad siya. Pumayag siya na magpractice kaya sige.

Habang nagpapractice kami ni Don, nagtext si Mark na paalis na daw siya ng bahay nila. So ako, gusto kong sumunod. Gusto kong madaliin yung practice namin ni Don para makasunod ako pero ayaw ng tadhana na pumunta ko sa Trinoma dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sumabay pa dun yung pag-open up sa’kin ni Don ng problema. Okay. Will ni Lord na hindi ako umalis ng bahay.

Nung nakaramdam na ko ng gutom, nagpadeliver kami ng KFC ni Ian saka ni Don. Magkasundong magkasundo yung dalawa kasi magkamukha sila. Hahaha! Nanuod kami ng Happy Three Friends sa YouTube saka pinanuod ko lang sila maglaro. Tapos yun.

December 22. Seventh day. Nagpasama ko kay Don sa SM Fairview kasi wala pa kong shoes na gagamitin sa 24. Humingi na rin siya ng pera sa mom niya at dinaanan namin sa gym. Nakita na rin namin si Clark kaya pinasama na namin sa’min. Umikot muna kami para makapili ako ng shoes bago kami maglunch.

Nag eat-all-you-can lunch kami sa Chef ‘d Angelo tapos konting kwentuhan. After kumain, bumalik kami sa Department Store kasi hindi pwedeng wala akong mabili dahil wala na kong chance pumunta pa sa mall. Buti na lang may natipuhan ako na feeling ko bagay naman dun sa dress na isusuot ko. So nagpakuha na ko ng size tapos binayaran ko na. 

Nung pauwi na kami ni Don, medyo nagkaron pa ng problema yung bus na sinasakyan namin kaya napa-jeep kami ng di oras. Okay lang. I was expecting our choirmates to be there kasi medyo late na. Eh ayun. Wala pa. As always. Haha! Kaya inutusan muna ko ni mommy magdeliver ng mga regalo, magwithdraw, at samahan yung maid namin sa Puregold. Sinabay ko na rin yung baliwag liempo ko para sa Christmas party ng Serenata sa gabi. Medyo stressed-out ako dahil oras yung hinahabol ko. Nasa bahay na kasi si Mark A. at si Ate Jay tapos ako nasa labas pa kaya todo pagmamadali yung ginawa ko.

Pag dating namin sa bahay, hinintay muna namin yung iba bago magpractice. Ayun. Nung dumating yung mga members, practice agad tapos deretso na sa bahay nila Ate Lei para magparty. Nagdinner muna kami bago nag games. Nakakatuwa yung games na hinanda ni Ate Jay. Hahaha! Nakakaloka pa yung pinoy henyo-like game namin dahil “ginto” yung nabunot ko at hindi ko talaga nahulaan. 

The sad thing was hindi nakapunta si Mark J. dahil sa paperwork. Nevertheless, the party went well. Nag-enjoy naman ako. Haha! Hindi kasi ako nakasama last year sa after party ng choir eh. 

December 23. Eight day. Birthday ni RR! Pero bago pa ko pumunta sa party niya, may tumawag sa’kin at hinihingi yung song line-up ng Serenata para sa Christmas eve at misa de gallo. Ayun. Sabi ko sa gabi ko na lang ibibigay dahil aalis ako. Nakipagkita muna ako kay Mark M. para ibigay yung gift ko at binigyan din niya ko ng temptation. Haha! Chocolate kasi yung binigay niya sa’kin eh. 

Ayun. Sandali lang kami nagkamustahan ni Mark M. kasi nga pupunta pa ko sa party ni RR. Medyo hindi ko kabisado ang Ideal Subdivision kaya nagpahintay ako sa tricycle. Pag dating ko dun, si Ate Jaja at Ate Jay lang yung dumating from Serenata. So konting usap tapos kain tapos uwi na. Nagpractice na lang ako ng mga songs kasi ako tutugtog ng piano sa misa de gallo dahil wala si Mark A. 

December 24. Ninth and final day. Simbang gabi completed! Another achievement for this year. And 2 years na ko sa Serenata Choir! Siyempre hindi mawawala yung yearly tradition na magbreakfast sa Mcdo yung mga nakakumpleto. Pero bago ang lahat, may nakakatawang nangyari sa’kin during the mass.

Hindi talaga nawawala yung konting sablay pag ako yung tumutugtog sa misa. Minsan sobrang bilis ko, minsan may nakakalimutan akong chord na tugtugin at nawawala yung tingin ko dun sa songbook at marami pang iba. Pero nung tumutugtog ako ng Papuri, may napindot akong something dun sa piano. So nagpanic ako. Haha! I was trying to unplug pero fail. Buti nilapitan ako ni Kuya Alex at ni Kuya Marco. Hahaha! Nakakatawa talaga. Pero diba nga, the show must go on. Kaya nung binuksan ko yung piano, hinabol ko na lang agad. Parang wala na lang nangyari. Pero after ng mass, niloko pa ko ni Mark J. dahil dun. DJ daw pala pangarap ko at magremix ng songs. Hahaha! 

Ayun. Go-go na sa Mcdo. Nakasama namin si Tita Cedy from Triads saka yung anak niya at first time din nakasama si Ate Cha sa amin. Si Don din pala. Kahit hindi niya nakumpleto yung simbang gabi, sumama pa rin siya. Ayun. Masaya naman. Puro tawanan at kwentuhan. 

Pag uwi ko sa bahay, nakipag skype muna ko sa dalawa ko pang bestfriends (Kristine and Pat). Tapos umidlip muna ko kasi may practice ulit sa hapon. After practice, nag-ayos na ko para sa mass. Ako ang kumanta ng responsorial psalm kaya pinaghandaan kong mabuti. Haharap ako sa maraming tao kaya nagpa-ayos talaga ko. Ewan. Masaya ako kasi dalawang taon na ko sa choir. Yun din yung reason kaya nagprisinta na ko na ako na lang kakanta ng responsorial.

Kinabahan ako sa simula pero naging okay naman. Picture taking with Serenata after ng mass saka picture taking with my beloved guerrier. Tapos noche buena na with my family. This year na lang naulit yung lahat kami gising at sabay-sabay kumakain at nagbigayan ng regalo. Over-all happiness! 

Medyo na-BV lang ako dahil plano ko pumunta sa bahay ni Mark J. pero biglang hindi ako pinayagan. So tinulog ko na lang yung pagkabadtrip ko. Magkikita pa rin naman kami bago magpasukan eh. So ayun. Natulog na ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s