UNCONDITIONAL


Ano sa tingin niyo ang salita na mahirap bigyan ng ibig sabihin? Yung tipong alam niyo sa sarili niyo na simpleng salita lang yun at maraming pumapasok sa isip niyo pero aabutin ka ng ilang minuto o di kaya’y ilang oras para lang mabigyan ng ibig sabihin. Hindi mo kailangan hanapin sa dictionary yung exact meaning dahil alam mo sa sarili mo na nararamdaman mo yun pero hindi mo lang alam kung ano pa yung mga salitang idadagdag mo para makumpleto yung buong ibig sabihin. Ano bang tinutukoy ko? 

LOVE. What is love? Sabi sa sikat na sikat na Wikipedia, “love is an emotion of strong affection and personal attachment.” Madali bang intindihin? Alam naman nating lahat na pag sinabing pagmamahal o pag-ibig, automatic agad na iisipin natin parte ng emosyon. Sagot ko pa dati sa teacher ko, “it’s a strong feeling that’s hard to explain and to express but can be felt and shown in many ways.” Hanggang ngayon pag tinatanong ako, nahihiarapan pa rin akong sagutin kung ano ba talaga ang love. Pero kung pano ko sinabi yun sa teacher ko nung high school, ganun pa rin ang pananaw ko pag dating sa love.

Eh bakit ko ba pinag-aaksayahan ng panahon ang topic na ‘to? Well, may nagtanong na naman kasi sa’kin kung ano ang love. Pero this time ‘true love’ na. Edi wala akong nasagot. Nadagdagan ng ‘true’ eh. True, in filipino, ‘totoo’ o kaya ‘tunay’. Pag pinagsama ‘tunay na pag-ibig o tunay na pagmamahal’. Dahil sa isang tanong, nagising ang mga brain cells ko. Actually hindi lang pati brain cells, pati yung past experiences at mga naoobserbahan ko biglang lumitaw sa utak ko. Sayang naman kung iisipin ko lang. Baka sumakit pa ulo ko. Kaya hindi ako magdadamot at ishe-share ko sa inyo kung anong nilalaman ng isip ko. Hindi lang isip, pati nararamdaman ko.

Let’s be specific regarding this topic. Love towards a special someone. Wala nang paligoy-ligoy pa. Wag magpakabata. Ilabas muna sa usapan ang pamilya at kaibigan. Kasi iba ang approach ng love pag dating sa kanila. Pag-usapan na lang natin si boyfriend o si girlfriend, si misis at si mister o kahit ano pang pwede niyong itawag sa ‘couple’ or ‘partner’.

Number one na tanong lagi: How will you know if it is infatuation or love? Sabi ng friend ko, pag lagi mong iniisip infatuation. Pero once na pumikit ka at nakita mo pa rin siya, love yun. So meaning, minsan akala natin mahal na natin ang isang tao. Dahil napapasaya niya tayo, masarap siyang kasama at may mga bagay kayong gustong gawin pareho. Pero once na pumikit ka, biglang ibang tao na yung makikita mo. Mahirap ipaliwanag pero nangyari na sa’kin.

Isa pa, when you’re setting rules or standards – infatuation. Hindi totoong mahal mo ang tao kung hindi mo kayang tanggapin yung mga kamalian niya. Kaya mo nga sinabing mahal mo. You accept EVERYTHING. Positive man o negative yan, yayakapin mo pa rin buong-buo. Parang dati sabi ko ayoko sa umiinom, nagyoyosi at may hikaw. Eh dahil sa love ko, tinanggap ko. Wag nga lang siya magpapakita sa’kin ng naka hikaw, umiinom o nagyoyosi. Wala akong karapatan alisin ang nakasanayan na. Anong silbi ko? Paalalahanan siya sa mga bagay na hindi dapat. Ganun lang. Hindi dapat sakalin at pagbawalan ng pagbawalan.

Time. Magagalit pag wala siyang oras sayo dahil sasabihin niyang ‘busy’ siya. Infatuation yun pag hindi mo iniintindi kung anong sitwasyon niya. Infatuation din na idadahilan mo sa kanya na wala kang oras dahil sa ganito o ganyan. Kung love mo kasi, gagawa ka ng paraan para magkaron ng kahit isang minuto para sa kanya. Mahal mo siya kung maiintindihan mo na hindi lang sayo umiikot ang buhay niya. Wag masyadong demanding pag nasa relasyon. Hindi lang magtext magagalit agad. Wag laging magduda. Kung nagdududa ka, pagdudahan mo yung pagdududa mo. Gets? I mean, kunyari iniisip mo nakalimutan ka niya i-text. Palitan mo yung iniisip mo na “ah baka kasi marami lang siyang ginagawa o nakatulog sa pagod”. Hindi yung magagalit ka agad.

Marami pang examples to differentiate infatuation and love. But for me, there are five important things you should consider when you love someone.

  • ACCEPTANCE – kahit saang lupalop pa ng mundo siya galing o kahit ano pa ang itsura niyan, once na tanggap mo siya as a whole, love yun.
  • TRUST – pag nagpaalam sayo, paniwalaan mo. Wag masyadong seloso/selosa. Wag parang security guard na laging nakabantay. 
  • TIME – hindi kailangan araw-araw magkasama. Magkakasawaan lang kayo. Thrice a week is okay. Para may konting excitement pag magkikita kayo. More kwentuhan pag ganun.
  • UNDERSTANDING – open your mind. Make it wide. This is a key of maturity. Partner to ni acceptance. Kung hindi mo siya kayang intindihin, malabo mo rin siyang matanggap. Ganun lang yun.
  • HONESTY – hindi naman kailangan ng todo report. Pag tinanong ka kung nasan ka or sinong kasama mo, tell the truth. Dahil once na may tinago ka, masisira ang trust. 

Isa lang ang pumalya sa limang yan, hindi tunay ang love. Yun lang. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s