SUPPRESSION


– Avoiding situations or thoughts that lead to anxiety.

One example of a coping/defense mechanism. 

Lahat ng tao ay may kaniya-kaniyang paraan para solusyonan, iwasan o kalimutan ang problema. Natural lang sa tao na magkaron ng unang reaksyon. May iba na hindi matanggap na sila ang dahilan ng problema. Meron namang iba na mabilis lang makagawa ng paraan para ayusin ang problema. At meron din namang hindi sigurado kung siya ba ang may mali o ang ibang taong kasama o nadawit sa problema.

Ganun ata ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung ako ba ang mali dahil umasa ako sa sinabi ng isang taong pinagkatiwalaan ko. Hay! May mga hindi pa ako natatapos na problema tapos may panibago na naman. Gumagawa ako ng paraan para kalimutan ko na lang lahat kasi masakit at hindi ko alam kung ako ang may kasalanan. Kaya suppression yung defense mechanism ko ngayon. Inaaliw ko yung sarili ko para hindi ko maisip yung problemang pinagdadaanan ko. Pero hanggang kelan ko tataguan ‘to? Hindi naman lagi may makakausap ako o may makakasama ako para hindi na sumagi sa isip ko yung problema. 

Hay! Itutulog ko na lang muna ‘to. Alam ko naman na lilipas din lahat ‘to at tatawanan ko na lang balang araw.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s