PEDRING


Sa wakas! May kuryente na rin after 10 hours. Ngayon ko napatunayan na hindi ko kaya ang walang cellphone. Nung nagising kasi ako kaninang umaga, tinext ko agad yung dean namin kung may pasok. At nagulat ako sa sinabi niyang meron daw. So pinasa ko yung message sa mga students. Siyempre may mga nagreklamo dahil nga naman bumabagyo na di pa rin suspended. Tumawag tuloy mom ko sa school. Ayun. After 20 minutes nagtext ulit yung dean na suspended na yung class. Edi good diba.

Ang bad, nawalan ng kuryente habang nakacharge yung phone ko. As in 1 1/2 bar na lang. Edi wala na kong nagawa. Gusto ko pa naman sana mag-internet gamit yung phone ko kaya lang tinitipid ko yung battery para if ever may magtext, makakasagot ako. 

Okay. Ang hirap ng walang magawa. As in nakakabaliw talaga! Palipat lipat ako ng lugar dito sa bahay. At parang tatlong beses ako umidlip dahil sa lamig ng hangin. Haha! Nakapag volleyball pa kami ng pinsan ko sa loob ng kwarto. Nakakatawa talaga! Pinilit talaga namin maglaro. Atat ako magsports fest eh! Hahaha!

Soundtrip, kulitan at tawanan at tulog ang ginawa ko ngayong araw na ‘to. Hahaha! Nagboard game pa kami ni Juliane kanina sa sobrang pagkabored. 

Ayun. Tuluyan ng nawalan ng battery ang phone ko kaya hiniram ko yung phone ng mom ko. Grabe! Wala ring kwenta kasi walang kahit isang tao ang naka-save sa sim card. Lahat pala ng contacts ko nasa phone ko. Grabe. Haha! Bale wala rin. Kaya natulog na lang ako ulit.

Nagising na lang ako dahil biglang binuksan ng mga pinsan ko yung ilaw ko sa kwarto. So nasilaw akong bigla diba. Hahaha! At ngayon, eto! Todo internet na at nakacharge na ulit ang phone ko. 

One question in mind: MAY PASOK NA KAYA BUKAS?!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s