EFFORT


Ibang pressure na yung nararamdaman ko bilang student council officer. Bibigyan ako ng assignment – gagawin ko tapos yun pala may nagawa na sila. Pumayag ako na hindi na lang pansinin yung ginawa ko tapos biglang hahanapan ako ng update. Eh ano ba talaga?! Ako ba ang gagawa o sila na?! Nakakaasar eh. Sayang yung oras saka yung effort ng mga officers ko para lang sa event. Naiiyak ako. Ayokong pumalpak kasi pinagkatiwalaan kami saka term ko ‘to. Gusto kong may maiwang magandang memory sa school during my term. Eh kung ganito na lang palagi wala talagang mangyayari. Sasabihin sa’kin na ako ang kikilos pero ang totoo sila rin ang gumagalaw. Ano pang magiging silbi namin? 

Naiinis lang talaga ko ng sobra. Di ko na tuloy napipigilan yung sarili ko sumagot pag kinokontra nila yung galaw ko. Kung pwede lang sabihin na ‘edi kayo na lang gumawa’ o kaya ‘sana di na lang kayo nagpameeting’… Ay nako! Nakakainis talaga! 

Namimiss ko tuloy yung dati kong adviser. Okay. Wala naman na kong magagawa eh.

Whatever.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s