FROM THIS MOMENT


So here. Another late post. Tinamad kasi ako kahapon i-post eh. Pero hanggang ngayon di pa rin ako maka-get over sa mga nangyari nung nakaraang Sabado. Kaya ngayon ko na lang ilalagay dito. 

Nung Thursday, inimbitahan ako ng bestfriend ko na kumanta sa kasal ng pinsan niya para sa Sabado. Nung una medyo tinanggihan ko pa kasi maraming nakapilang lakad sa’kin nung Sat. Birthday ng high school friend at despidida nung isa kong gym friend. Tapos kailangan ko pang samahan daddy ko sa check up. So sinabihan ko si Mark na i-uupdate ko siya pag pwede ako. Friday night nagpaalam ako sa mom ko kung pwede ba kong kumanta sa kasal eh 2pm ang simula tapos 3pm aalis kami sa bahay para sa check up. Sabi ng mommy ko bahala daw ako basta dapat umuwi ako agad pagkatapos. Edi tinext ko si Mark at sinabi kong pwede na ko kumanta. Grabe! Dali-dali kaming naghanap at pumili ng kanta na kakantahin para sa kasal. Pinroblema ko pa nga yung damit na susuotin ko eh. Plano ko pa bumili ng dress bago kami magpractice.

Nung araw na ng kasal, nagising lang ako sa text ni Mark. 9am kasi ang call time para sa practice. Eh kakauwi pa lang niya from his condo kaya sinabi niya na 10am na lang. Edi fine. Pag dating namin sa church, nandun na yung piyanista. Ready na sana kami magpractice pero sinabihan kami na wag muna ituloy yung practice dahil may dalawang bibinyagan. So ayun. Nasayang yung oras namin. Kaya nagphotobooth kami pampalipas oras. Hahaha! Namili na rin kami ng mga kakantahin para sa misa. Pero nung natapos yung binyag, sinimulan na namin ang matinong pag-eensayo.

Salitan kami kakanta ni Mark sa mismong kasal. Pero nagkasundo kami na ako ang kakanta sa bridal march dahil isa siya sa mga aabay. Best Man kasi siya kaya kailangan niya muna rumampa. Naalala ko kasi dati nung kumanta din kami sa kasal, hindi siya sumali dun sa entourage nung narinig niyang kumanta na ko. Kaya sabi ko sa kaniya, okay lang na i-solo ko yung song. So ayun. Inayos ko muna yung chords ng From This Moment ni Shania Twain. Yun yung napili kong song na pwedeng kantahin sa kasal. Practice pa lang, kinilabutan na si Mark. So sabi ko sa sarili ko, dapat mas maganda pa yung pagkakarender ko nung song sa mismong kasal. Ayun. Nagpractice na rin siya ng mga songs niya. Bali tatlong songs lang yung sinolo kong kantahin. Pinakanta na rin sa’kin ni Mark yung How Did You Know saka yung Ikaw. Ayun. 12nn na kami natapos magpractice. Lampas pa nga ata. So nagdecide na kami umuwi muna para maglunch at mag-ayos.

Nung umuwi ako sa bahay, kumain agad ako. Nagluto si mom ng beef salpicao at ninamnam kong masyado yung pagkain ko. Haha! Minsan na lang kasi ako kumain ng karne. After nun, naligo na ko tapos nagbihis at nagpa-make up sa pinsan ko. Di ko na napansin yung oras hanggang sa tumawag na si Mark sa cellphone ko. Sabi ko sandali lang kasi nag-aayos pa ko. Bigla niya kong tinext na nakapila na daw sila. So ayun. Nagmadali ako ng sobra. Binilisan ko na maglagay ng lipstick at magsuklay. At pagdating ko sa simbahan, nakapila na nga lahat sila. Nakita ko si Mark sa unahan ng pila at narinig ko na rin tumutugtog si Kuya Dako. Umakyat na ko agad.Hinihintay ko lang sumenyas si Mark para alam ko kung kakanta na ko. 

Sinenyasan na ko ni Mark na papasok na yung bride. So nag-intro na si Kuya Dako. Tapos nakita kong ang daming lumilipad na butterfly. Na-amaze ako kasi ang cute. Lalo kong na-feel yung song at binigay kong lahat para maging maganda yung pagkakakanta ko. 

Edi ayun. Nung umakyat si Mark, sinabi niya sa’kin na ang ganda daw ng pagdeliver ko ng song at ang ganda daw ng boses ko – buong buo. Buti na lang nakikisama ang mga sound system. Hahaha!

Tuloy ang kasalan at kantahan. Pero habang dead air, napag-usapan namin ni Mark yung mga gusto naming mangyari sa panahon na kami naman yung ikakasal. Hahaha! Nakakatawa kasi ang dami naming plano. Ang problema, wala pa naman kami parehong pakakasalan. Haha! Yun lang naman. Medyo nagkaproblema nga lang sa mga minus one na hinanda ni Mark at parang kinulang kami sa mga song. Pero over-all, maganda.

Niyaya pa nila ko sumama sa reception kaya nga lang hinihintay na ko ng mommy’t daddy ko kasi pupunta pa kami sa Megamall para sa check up ni dad. 

Hay. Sana may kasal ulit. Hahaha! 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s