PANGARAL NG PANGALAWANG INA


Kahapon ko pa gusto magsulat tungkol sa isang taong naging bahagi ng buhay ko. Hindi pa naman ganun katagal yung pagsasama namin pero marami akong natutunan sa kaniya. Nanay na nga ang turing ko sa kaniya at hindi ako nahihiyang ipakita kung sino at ano talaga ako. Alam ko kasi na isa siyang ina at anak na rin ang turing niya sa aming mga estudyante. Kahit na hindi kami magkadugo, alam kong kaya niya kaming intindihin.
Sino ba ang tinutukoy ko? Walang iba kundi si Ma’am Amor. Nakakatawa nga dahil minsan napagkakamalan kaming mag-ina. Dahil na rin siguro sa pareho naming kulot na buhok at katawan. Hindi ko akalain na may mga professor pa na tulad niya. Yung pagmamahal niya sa pamilya niya, nadadala niya sa aming mga estudyante niya.

Nung isang araw, binalita sa’kin ng isa kong kaklase na aalis na siya sa susunod na sem. Pero hindi ako naniwala. Ayoko kasi siyang umalis. Panatag na kasi ako sa kaniya. Open ako pag pinagsasabihan niya ko pag may mali ako. Parang wala na kong mahahanap na ganung instructor. Pero kahapon, nagpaalam na talaga siya na iiwan na niya kami. Nalungkot ako… Pero di ko pinapahalata. Gusto kong umiyak pero hindi naman pwede. Ayoko pang magpaalam sa kaniya. Hindi ko pa kayang tanggapin na magiging iba na yung clinical instructor namin.

Kaya lang kasi may mga bagay nga na dapat iwanan. May mga bagay na nakasakit sa damdamin niya. Hindi ko na lang sasabihin kung ano yung alam namin na pinagdadaanan niya. Hindi sa kumakampi kami sa kaniya pero hindi kasi kami bulag para hindi makita lahat ng mali. Kung pwede lang kaming magsanib pwersa para lang itama lahat ng mali, gagawin namin. Ganun namin kamahal si Ma’am. Kaya masakit samin ni Kim at Jianna na darating ang araw na iiwan na kami ni Ma’am.

Kahapon, di natuloy ang duty namin kaya ginamit namin yung oras para pag-usapan at klaruhin ang mga bagay-bagay. Nakakalungkot nga kasi parang nagpapaalam na talaga si Ma’am dahil sa mga pangaral niya. Lakasan daw namin ang loob namin para harapin ang mga darating na pagsubok. Matuto kamin depensahan ang mga sarili namin at kung ano pa. Habang nagsasalita siya, naramdaman ko na parang nanay ko na yung nagsasalita. Hay! Ilang buwan ko din nakasama si Ma’am Amor. Kaya nanay na nanay na talaga ang turing ko sa kaniya.

Ayoko pa magpaalam. Di ko pa kaya. Baka nga mabasa pa niya tong post na ito. Okay lang! Matutuwa ako pag nabasa niya ‘to. At sana matuwa rin siya at malaman niya na hindi lang siya basta clinical instructor para sa’kin.

Kaya Ma’am, kung nababasa mo ‘to, salamat po ng marami. Isa po kayo sa mga taong hindi ko makakalimutan. Maraming marami po akong natutunan sa inyo. Salamat po sa pagtanggap at pakikinig sa’kin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s