SEPTEMBER 2-XIC


September 2, 2011 (Friday)

TOXIC!

Oh yes. Na-toxic ako kahapon sa duty. Ibigay ba naman sakin lahat ng pasyente sa isang ward kung di ka ba naman mawindang. Hahaha! 4 patients sa pedia ward yung binigay sa’kin. Usually kasi 1:1 or 1:2 ang bigayan. Pero dahil hindi naman pwedeng habang buhay eh puro isa o dalawang pasyente lang tuwing duty, challenge ang hinarap namin kahapon. Ako nga lang yung may pinaka maraming pasyente pero ayos lang. Ilang beses din akong tinanong ng CI ko kung kaya ko, sabi ko “Yes Ma’am! Kayang-kaya. Dapat kayanin”. So ayun. Pinanindigan ko talaga yung sinabi ko kahit na alam kong dapat doble ingat ako sa pagbibigay ng gamot, pagpapalit ng IV fluids at pagrerecord ng vital signs. 

Dahil sa hindi pa tapos mag endorse yung mga staff nurse, dalawang patient pa lang yung na-endorse sa’kin ng CI ko although alam ko na kung sino mga handle ko. Nung nagrounds ako, dalawang patient ko ang malapit na maubusan ng IVF so kailangan na magprepare. Sumama din ako sa rounds ng mga classmates ko. Nung nakita ko yung isang staff nurse na magpapalit ng IVF sa patient ko, nilapitan ko na at sinabi ko na ako na lang magpapalit kasi grabe yung pagka-toxic ng mga staff nurse. Alam ko naman na ang mga dapat gawin pag magpapalit ng IVF kaya pinalitan ko na.

So ito ang nangyari. Tinignan ko muna kung may air so pinitik pitik ko muna saka ako nagkink at nagpalit. Nung napalitan ko na, dun ko nakita na may air pala sa may dulo ng tube. So kailangan kong habulin yun kasi alam ko yung pwedeng maging epekto nun sa client. Tumawag ako ng staff nurse para i-refer. Tamang-tama pinuntahan na rin ako ng CI ko. First time ko maka-encounter ng ganun eh. Kaya medyo kinabahan ako pero kinaya ko naman. Nahirapan pa ko magregulate kaya first patient pa lang na-toxic agad ako. Haha!

Sobrang maingat ako sa pagbibigay ng meds at pagrerecord ng vital signs. Ayoko kasi magkamali. Mahirap na! Lisensya ng CI ko yung nakasalalay dun kaya grabe na lang ang paulit-ulit kong pagbabasa ng chart. Haha! At least diba! So ayun. May dalawa kasi akong patient na halos similar ang case kaya minsan naguguluhan ako. Kaya paulit-ulit kong binabasa yun. Baka kasi makalimutan kong magbigay ng gamot. Thank God nagawa ko lahat ng tama!🙂 Yun naman ang mahalaga dun eh. 

What an experience!😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s