IYAK-TAWA EXPERIENCE


August 31, 2011

Grabe lang ah. Hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari sa’kin kanina. Atat na atat talaga kong umuwi para lang i-blog kung anong nangyari sa’kin. Medyo mahabang kwento ‘to dahil sisimulan ko sa bahay namin hanggang sa ospital.

Gumising ako ng maaga kanina hindi para pumunta sa gym. Tinapos ko yung mga utang kong drug study at nursing care plan sa CI ko. Nagawa ko pa ngang magTumblr bago ako maligo. So nung natapos ko na ang mga bagay-bagay, naligo na ko. Pero bago ako tuluyang magbasa ng katawan, tinanong ako ng pinsan ko kung anong oras ako aalis. Dahil sa 1pm pa naman ang duty ko 10am pa lang nun, sabi ko sa kaniya bahala na. Tinanong ko siya kung anong oras siya aalis para sumabay na lang ako sa kaniya. 12nn naman ang pasok niya kaya naisip ko na lang na sumabay sa kaniya at sa ospital na lang ako magpapalipas ng oras. 

After ko maligo, nag-ayos na ko ng sarili ko tapos kumain na ko ng lunch. Pati yung babaunin ko pina-ayos ko na rin kasi ayoko ng gumastos para sa food. Haha! Nagtitipid na ko dahil sa mga lakad na magaganap. Anyway, pinagmamadali na ko ng pinsan ko. Sabi ko sa mommy ko na gusto ko magtaxi kasi medyo malakas na yung ulan nung mga oras na yun at ayokong maglakad mula Cordillera hanggang D. Tuazon dahil nakaputi ako. Ayoko pa naman ng nadudumihan lalo na pag naka clinical uniform ako. Inayos ko na yung gamit ko after ko maglunch. Nagpatawag na rin ng taxi si Cla. Medyo nagkasagutan pa kami dahil late na siya. Buti na lang dumating yung mommy niya na naka-taxi para yun na lang din sasakyan namin.

Nagdidilim ang kalangitan. Pabugso-bugso yung ulan. At hindi lang basta ulan ah, malakas na ulan talaga. Nung nasa Commonwealth kami, lumakas na yung ulan. Humina na lang yon nung nasa may Quezon Ave. na kami. 

Dahil nga sa malapit na ma-late si Clarice, naisipan ko na lang magpababa sa Mcdo, Banawe at lalakarin ko na lang hanggang sa Sta. Teresita. Di na ko dumaan ng school kasi mahihirapan lang akong tumawid. Nagdadalawang isip ako kung sasabihan ko yung mga kaklase ko na hihintayin ko sila sa Mcdo o talagang mauuna na lang ako sa ospital. Wala rin naman akong mauupuan sa Mcdo dahil sa dami ng tao kaya pinanindigan ko na lang talagang dumeretso sa ospital. 

Bumuhos na naman ang malakas na ulan at buti may nasilungan ako. Hinintay kong humina yung ulan para makapag lakad na ko ulit. Habang naglalakad ako, sinasabayan ko ng dasal para makarating ako dun ng safe. Pinagdadasal ko rin na sana hindi ako madumihan dahil naka-white stockings ako. Ayoko magduty ng dugyutin ang itsura ko. Nasa Cordillera na ko nung bumuhos ulit ang malakas na ulan. May natanaw akong parang waiting shed. Pero maliit lang. Nagdasal ako ulit na sana tumila na yung ulan or kung may masasakyan man ako para makapunta na sa ospital.

Hindi naman ako binigo ni Lord. May nakakita sa’king tricycle driver. Tinanong niya kung san ang punta ko. So sabi ko sa STGH. Kahit na sobrang lakas ng ulan, tumanggap pa rin siya ng pasahero. Pag sakay ko sa tricycle, dun ko nakita na basang basa na yung bag ko, smock gown pati stockings ko. Okay lang sabi ko sa sarili ko. Matutuyo din naman yun. Nagpasalamat pa ko kay Lord kasi hulog ng langit si kuya para mahatid niya ko sa ospital. 

Eto na ang nakakagimbal na eksena. Sobrang lakas pa rin ng ulan. Hindi ko na binuksan yung payong ko dahil naka abang na yung guard para payungan ako. So inisip ko na lang talaga yung mga gamit ko. Nung pababa na ko ng tricycle, sumabit yung paa ko dun sa tali nung tricycle. Di ko alam kung anong paa yung sumabit basta parang nadapa ako. Natukod ko yung tuhod ko dun sa stairs tapos lumubog yung isa kong paa dun sa parang baha. Buti na lang may tumulong sa’kin bago ako tuluyang sumubsob. 

Nung nakatayo na ko, nagpasalamat ako dun sa mga tumulong sa’kin. Grabe! Ang dami pa namang tao sa may entrance ng ospital. Pero hindi ako nahiya. Wala lang. As in plain lang ako kanina. Deretso ako sa canteen para ayusin yung sarili ko. Umupo lang ako tapos tinext ko mga friends ko about what happened. Nagdasal ulit ako. Nagthank you pa ko kay Lord dahil nakarating ako at nakayanan kong mag-isa yun. Grabe! Di ko talaga inaasahan na mangyayari yun. Gusto kong umiyak hindi dahil sa nadapa ako in front of many people. Gusto kong maiyak kasi nakasurvive ako. Haha!

Habang hinihintay ko yung mga kaklase ko, naiiyak ako na natatawa at the same time. Ewan ko kung bakit. Kung hindi ko pipigilin yung sarili ko, baka mapagkamalan pa kong may sakit sa utak. Basta nung dumating yung mga kaklase ko, nagkwento ako agad kung anong nangyari sa’kin. Tumatawa pa ko habang nagkukwento sa kanila. 

Adventure para sa’kin yung mga kaganapan kanina. Ayoko na maulit pero thankful pa rin ako dahil naranasan ko kahit papano yung hirap ng ibang nursing students kagaya ko na umulan o umaraw, kailangan magduty.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s