POSTURAL HYPOTENSION


I won’t lecture okay?! Haha! Baka isipin niyo maglagay ako ng definition at pathophysiology ng hypotension. NO! Wala akong oras magbigay ng lecture. Haha!

I’ll just share my day with you all. Na-post ko naman na kagabi yung mga dapat kong gawin today. Akala ko final na yun pero may nabago pala. Imbis na samahan ko magpa-check up yung mga magulang ko, yung pinsan ko yung sinamahan ko kasi sobrang baba ng blood pressure niya kanina.

Bago kami pumunta sa clinic, tatlong beses ko siya kinuhaan ng BP. Mababa talaga. Lagi kasi siyang stressed saka history na talaga nila ang mabababa ang dugo kaya nagpa-check up na siya. Natatawa ko kanina kasi pati tita ko nagpakuha ng BP sa’kin sa sobrang kaba. At gusto pa niya ma-confine yung pinsan ko. So sabi ko sa pinsan ko itaas niya yung paa niya pag nakahiga. Ganun lang tapos naligo na ko.

Nung nasa clinic na kami, dalawang beses din siya kinunan ng BP. Tugma naman sa nakuha ko. At pareho kami ng advice nung doctor – lagi dapat itaas ang paa pag nakahiga o nakaupo. Kinailangan pa din niya magpa-CBC. So after niya kuhaan ng dugo, naglunch muna kami sa Mcdo.

Nung nasa Mcdo na kami at nagpapalipas na lang ng oras, biglang may nag BBM sa’kin – si Pat. Tinanong kung nasaan ako. Siyempre ang sagot ko nasa Mcdo. Aba! Nandun din pala ang gaga. Hahaha! Dapat kasi kami talaga yung magkasama ngayon para manuod ng movie pero dahil nga sa kailangan kong samahan magpacheck up yung pinsan ko, di kami natuloy. Pero nagkita pa rin kami. Haha! Sandaling pagkikita lang naman. Umalis din siya agad kasi may volleyball training siya. So nung umalis siya, binalikan na namin yung results.

Okay. Mababa ang RBC, hemoglobin at WBC ng pinsan ko. Kailangan pa niya ulit bumalik bukas sa clinic. Unfortunately, di na ko pwedeng sumama sa kaniya dahil may workout ako sa umaga at duty ko sa hapon. Si tita na lang yung nagbalik ng results dun sa clinic habang kumakain kami ng siomai ni Caca sa tapat ng Mini Stop. Haha! Nung Linggo pa kasi niya gusto kumain ng siomai eh. So ayun.

Bago siya matulog, check ulit ng BP. Ganun pa rin. Low blood pressure. Hay! Nurse on duty ulit ako. Hahaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s