RANDOM THOUGHTS


August 29, 2011

  • Pag bitter ka, wag kang parinig ng parinig. Wag post ng post ng kung ano-ano para hindi mahalata na may bitterness diyan sa puso mo. Sarilihin mo na lang yan. Or, i-share mo na lang sa close friend mo.
  • Para sa’kin, may dalawang ibig sabihin pag nagpaparinig ka sa pamamagitan ng mga wall posts. It’s either bitter ka or gusto mo lang ipamuka sa isang tao na mali siya at kailangan niya ma-realize na may pagkakamali siya.
  • Pag naiinis ka sa isang tao, wag mo na lang pansinin. Wag mong patulan. Manahimik ka na lang. Dahil pag inumpisahan mo ang pagpaparinig o ang kung anuman, sayo mapupunta ang negative feedback ng ibang tao. Ang masama pa nun, masasabihan ka pang bitter o mapaghanap ng away.
  • Mas mainam pang sabihin mo na lang sa tao kung ano yung ayaw mo sa kanya kesa sa malaman pa niya sa iba. 
  • Wala akong pakialam kung masaktan kita sa pamamagitan ng mga salitang binibitawan ko kesa naman sa habang buhay mong hindi malalaman ang ayaw ko sayo.
  • Kahit na manhid yung taong mahal mo o may mahal man siyang iba, iparamdam mo pa rin na mahal mo siya. Wag kang magsawa. At least may ginawa ka. Umamin ka sa tamang panahon.
  • Pag nagkaron ng away, tampuhan, o hindi pagkakaintindihan sa mga kaibigan mo, wag kang kumampi agad. Alamin mo muna yung side ng bawat isa. Pag nalaman mo, iwasan mong humanap ng kakampihan. Tandaan mo, kaibigan mo sila pareho. Maging open ka lang at sabihin sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin. Be objective!
  • Pag nasa isang relasyon ka, wag mong kalimutan ang mga kaibigan mo. Dahil sa oras na nagkaron ka ng problema, sila at sila pa rin ang una mong lalapitan.
  • Wala sa tagal ng panahon ang paghahanap ng mabuti at totoong kaibigan. Yun ay kung sino ang nananatili sa tabi mo sa tuwing nangangailangan ka o masaya ka.
  • Madaling humanap ng girlfriend/boyfriend. Mahirap humanap ng mapapangasawa.
  • Practice what you preach.
  • Walang ‘bago’ o ‘luma’ sa kaibigan.
  • Para makahanap ka ng tunay na kaibigan, maging kaibigan ka muna sa kanila.
  • Matuto ka makisama. Hindi yung nakikisama ka dahil may kailangan ka. Nako. Mawawalan ka ng kaibigan sa gagawin mo.
  • Manahimik ka na lang kung wala kang matinong sasabihin.
  • Mag-ingat sa mga salitang binibitawan. 

Hmmm. What else? Wala na kong maisip. Hahaha! Yan na lang muna for today.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s