TURN OFF


Bigla ko lang naalala yung nangyari sa’kin kahapon sa fx. After school, lagi akong nagmamadali umuwi kasi may hinahabol ako sa gym. Pero dahil sa late na ko pinapauwi, hindi ko na naaabutan yung RPM. FX ang lagi kong sinasakyan para hindi na ko tatawid kung sa bus ako sasakay. Nadala na rin akong magtaxi kasi namumulubi ako sa mahal ng pamasahe.

So kahapon, mabilis akong nakasakay. Sa likod nga lang kasi puno na sa harap saka sa gitna. No choice. Pag sakay ko, inayos ko muna yung mga gamit ko kasi everyday parang may outing sa sobrang laki ng bag na dala ko tapos nagbayad na rin ako g pamasahe. After nun, saka ko napansin yung isang pasahero. Harapan kami sa likod at kaming dalawa lang. Pinagmamasdan ko siyang maigi. Clean cut yung hair, matangos ang ilong, maganda yung labi. Hindi ko nga lang nakita yung mata kasi naka shades. Pero alam kong gwapo siya. Hahaha! Tulog siya sa byahe kaya tinitignan ko siya. Nung una akala ko gising kaya hindi ko siya matitigan. 

Nung nasa commonwealth na kami, napatingin ako sa kamay niya. Dun ako biglang na-turn off. Haha! Mas mahaba pa yung kuko niya sa kuko ko. Uhh! Yun pa naman ang pinaka ayaw ko sa mga lalaki. Haha! Gwapo sana kaya lang mahaba ang kuko. Eew! Haha!

Confirmed na may itsura siya kasi tinanggal niya yung shades niya pagbaba namin sa SM. 

Yun lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s