JANNO


Nakapag-line din sa wakas!🙂 Haha! Siyempre 3-5 days daw bago ma-activate yung sim ko kaya hintay-hintay lang ng konti. Mabilis lang naman ang araw.🙂

Last Friday ako nag-inquire about Globe’s plan. Actually last year ko pa plano kaya lang nawala na lang sa isip kong bigla. Haha! So ginamit ko name ng mom ko para makapag-apply. Wala naman akong proof of billing at proof of income. Tanging ID lang ang pwede kong mapakita kaya sabi ko sa mom ko na kailangan ko siya para ma-approve. Thank God pumayag. Haha! At share daw kami sa babayaran kasi makikigamit daw siya pag kailangan niya. Nag online ako para i-check kung anong plan ba yung pasok sa budget ko monthly at siyempre yung free gadget na makukuha ko. Desidido ako na Plan499 yung kukunin ko pero gusto ko mag iPhone 3Gs. Hindi free ang iPhone sa plan na yun kaya kailangan magdagdag ng 21,000+ para makuha yung unit. Grabe! Isang linggo kong pinag-isipan yun. Meron na kasi akong iTouch. Kinausap ko si mom na payagan ako mag iPhone pero hindi siya pumayag. Inisip ko din i-give up yung iTouch ko saka yung E63 ko para payagan ako magdagdag ng almost 22,000 para sa iPhone. Hindi pa rin pumayag. So wala na kong magawa. Ang tagal kong naghahanap sa Globe website ng magandang phone na free sa Plan499. Ang dami kong gusto pero nauwi sa Samsung Champ. Gusto ko kasi may wifi pero wala. Samsung Champ, okay.

Our of nowhere kanina, pumunta na kami sa Globe (SMF) para magpasa ng requirements. Desididong desidido na ko sa Plan499 and Samsung Champ. Nung dumating kami sa Globe, ang daming tao at marami na ring nakapila. 11am kami nandun. Nagfill-up muna ko ng isang form para ma-submit dun sa personnel. Habang naghihintay, nagrereklamo yung babae sa tabi ni mommy kasi ang tagal daw. 1hour na daw siyang naghihintay dun so on – blah blah blah. Ang dami nang napag-usapan mula sa softdrinks hanggang sa dahilan kung bakit siya nag-aapply ng plan. Na-open ko na mas mura ang plan ng Sun Cell. Tapos ayun, umagree naman yung babae. Tapos nasabi niya na sa globe daw, Plan999 free ang BlackBerry Curve. So nagka-idea akong bigla. Kasi habang sinasabi niya, bigla akong napangiti.

Hintay pa rin. Nagutom bigla si mommy kaya kumain muna kami sa Hap Chan. Nung una ayoko pang umalis kasi baka tawagin na kami. Sayang lang yung pinila namin kung ganun kasi baka pumila kami ulit. Pero ang lakas ng kutob ni mom na matagal pa kaming tatawagin. Edi go. Kumain muna kami. Sinabi ko kay mom na Plan999 na lang kukunin ko kasi mas maganda yung libreng phone. Thank God pumayag!

Nung bumalik kami, mas dumami pa yung tao at natawag na kami. BV! Akala ko uulit na naman sa umpisa pero buti na lang dahil sa kakulitan ni mommy magtanong ng magtanong, siningit kami nung isa personnel. He’s nice. Kamukha pa niya si Bobby Yan.🙂 Anyway, binigay ko na yung requirements tapos nag fill-up na naman ako ng form. Akala ko ganun lang kadali pero medyo naghintay kami ng konti. Nung tinanong na ko kung anong plan ang kukunin ko, sabi ko Plan999 at BB ang gadget. Haha! Dun nagsimula ang kwentuhan namin ni Janno. <Haha! Parang close eh noh… :P> Kakakuha lang din daw niya kasi ng unit na yun kahapon at nagustuhan niya. Ang dami niyang tinuro sa’kin pero hindi lahat naintindihan ko. :p Basta sinabi niya sa’kin pati kay mommy na maganda yung BlackBerry.

Nakwento din niya na yung kapatid niya naman nag iPhone4. Nasabi niya na ayaw niya nun kasi mahal at hindi worth na pagkagastusan. So parang ako – OKAY! Naisip kong bigla yung iPod touch ko. Wala nga lang camera yung akin pero it’s just the same. Sim card lang ang nilamang nung iPhone. Tapos nabanggit niya na ang iPhone ay cellphone ng mga mayayabang. Hindi na lang ako nagcomment sa statement niya na yun. Ang dami niyang pinaliwanag about BB at nasabi rin niya na maarte ang phone na yun.

Nung nakuha ko na yung unit at nakabayad na kami, go home na. Kinalikot ko na agad yung bago kong phone. Dahil bago, natatanga ako. Hanggang ngayon natatanga pa rin ako. Bigla kong naisip yung sinabi niya na ang iPhone ay cellphone ng mga mayayabang. Eh ano ang BlackBerry? Sumagi sa isip ko na ang BB ay cellphone ng mga maaarte. Hahaha! Wala lang. Sabi niya kasi kanina maarte daw ang BB eh.

So sa Tuesday ko pa magagamit yung new sim ko. Okay.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s