SHOWER IN THE DARK


Scary-slash-comedy experience last night.

10:30 PM ang oras ng paliligo ko sa gabi bago ako tuluyang matulog. Reason? Para fresh ang feeling. Hahaha! Basta ganun ako lagi. Naliligo ako bago matulog. So ito na… After ko magshampoo at magsabon for I think 25 minutes, bigla na lang nawalan ng kuryente. Ang akala ko pa nga bigla na lang akong nabulag kasi saktong pagdilat ko, walang ilaw. Pero nung naramdaman kong lumamig agad yung tubig galing sa shower, nalaman ko na brown out na talaga. Eff! I was like, hey! I’m not yet done!

Hindi pa ko nakakabanlaw ng tuluyan kasi may sabon pa yung katawan ko. Edi nagmadali akong makapagbanlaw kasi kung anu-ano na yung naiisip ko. Baka mamaya may multo pag dilat ko. Yung parang sa mga horror films. Baka dugo na yung lumalabas sa shower and all. Haha! Basta lahat na ng creepy things sumagi na sa isip ko kaya nagkukumahog ako. Wala akong makita! As in wala talaga. I was just imagining the bathroom and the dressing room pati kung saan ako hahakbang at pwedeng bumangga. So in short, nangangapa ako. Parang bulag talaga. Hahaha! Siyempre dahan-dahan pa ko para umiwas sa disgrasya.

So nung nakalabas na ko sa dressing room, may konting liwanag akong nakita. Pero hindi sapat yun! Haha. Kaya patuloy sa pangangapa. Sinusubukan kong gisingin yung maid namin saka mom ko para abutan ako ng kandila or ng flash light para matuloy ko ang paliligo ko. Hindi pwedeng hindi ako makapagconditioner at makapaghilamos at toothbrush. Kaya kinuha ko yung phone ko kasi alam kong may flash light yun. Hahaha! Edi yun ang ginamit kong ilaw. Balik sa paliligo…

Siyempre di ako nasayahan sa ganung paliligo. 11:15 pm nasa kama na ko. Eh usually 12mn nagpapatuyo pa ko ng buhok. Anyway, natatawa ko sa nangyari sa’kin kagabi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s