SIYA NA BA?


May nabasa akong status message ng isang friend sa Facebook na pinag-isipan kong mabuti. I won’t name this girl pero dahil dun sa status niya, naalala kong bigla yung advice ng tito ko sa’kin. Issue: MARRIAGE.

Itong girl na ‘to ay high school student pa lang. May boyfriend. Well, I’m not against their relationship. Besides, I don’t care. I mean, masaya ako kung san masaya ang mga kaibigan ko. They have their own life. I know my limitations kaya nirerespeto ko ang lahat ng maging desisyon nila sa buhay. Going back, dun sa nabasa ko, parang sure na sure na siya na hindi na sila magkakahiwalay ng boyfriend niya. At her age ah. Nasa 14 or 15 years old pa lang yun. When I was in her age, nagkaboyfriend din naman ako. Pero never kong inisip na magpakasal. Hahaha! Ganun kasi yung nasa status message nitong friend ko. She’s planning to go to province and finish high school there tapos parang dinemand niya yung boyfriend niya na sa pagbalik niya, pakasalan na siya. Hahaha!

Bakit ko naalala yung tito ko? Kasi sabi niya sa’kin, ang boyfriend madaling hanapin. Ang mapapangasawa, hindi. Nung sinabi ng tito ko yun, napa-isip ako. Kasi kaya ka nga humahanap ng boyfriend/girlfriend para maging asawa mo? Yan yung pananaw ko nung bata pa ko. Pero nung pumasok ako sa relasyon, lahat ng pananaw ko mali pala. Boyfriend – just for the sake you have someone who makes you kilig. Nah! Inisip ko rin yan. Bakit ka ba nasa relasyon? Para maramdaman mong secured ka, minamahal ka, ano pa? Kasi pareho kayo ng nararamdaman dahil mahal niyo ang isa’t isa? Yan nga siguro ang nararamdaman ko. Nagmamahalan kami at masaya kami kahit minsan may tampuhan o hindi pagkakaintindihan. Pero kahit na nasa wastong gulang na ko, hindi ko pa rin naiisip magpakasal. Hahaha! Iniisip ko rin na magpakasal balang araw pero hindi muna ngayon. Hindi pa naman ako sigurado kung siya na ba talaga eh.

Hindi pa ngayon ang tamang panahon para magdesisyon ng tapos. Advice ko lang dun sa friend kong high school pa lang. Yun lang naman.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s