KASI MAHAL KITA


Inspirado akong magblog tonight dahil sa ang daming pumapasok sa utak ko ngayon. Dalawang bagay na may iisang kahulugan. Let’s talk about love. Ayieee!🙂 Hahaha! Wala lang. Naiisip ko lang yung mga nangyari 3 months ago. Una na yung fun and sweet memories. Pangalawa yung mga nakakabwisit. Hahaha! Pero love yung main topic ko ngayon.

Pano mo ba malalaman pag mahal mo na? Ano bang pakiramdam ng minamahal at nagmamahal? Siya na ba talaga? Ang daming tanong na mukhang simple pero mahirap sagutin. Kasi kahit ako hanggang ngayon hindi ko pa rin masagot. Ngayon naisip ko kung ano nga ba ang ‘love’ para sa’kin.

  • Kahit na may nagawang mali, maiinis ka sa umpisa pero mawawala rin bigla.
  • Kahit labag sa kalooban mong mag-effort, gagawa ka pa rin ng paraan para maging masaya siya.
  • Kahit sawang-sawa ka na sa paulit-ulit na away-bati, tinatanggap mo pa rin siya.
  • Pag hindi ka nahihiyang ipakita sa kaniya ang tunay mong ugali.
  • Okay lang kahit anong itsura mo pag kaharap mo siya.
  • Bale wala kung pano ka matulog at kung gano ka karami kumain.
  • Kahit ilang beses ka niya barahin, okay lang.
  • Pag namumura mo siya at namumura ka rin niya nang hindi nagagalit.
  • Pag masaya kang kasama siya.
  • AT PAG KAYA MONG TUMINGIN SA MGA MATA NIYA.

Yan ang mga naisip kong dahilan para malaman ko kung talagang mahal ko ang isang tao. Siguro nga kulang pa yan pero isa lang ang masasabi ko, mahirap ipaliwanag ang pagmamahal. Hindi rin nasusukat yun sa oras na binibigay niya sayo, sa mga bagay na natatanggap mo o sa kahit saan pa. Mararamdaman mo lang yun pag naging masaya ka.

Para sa’kin ganyan ang love. Hindi ko lang alam sa iba.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s