NSH = NEEDS SPECIAL HELP


Pagkagaling namin sa duty, dumaan kami ni Claire sa Trinoma para humanap ng documentary (ex. iWitness, iSurvived, etc.) DVD sa Powerbooks pero sa kasamaang palad, under renovation kaya hindi kami nakabili. Sinubukan din namin sa National Book Store, Record Bar ng Landmark at Fully Booked pero wala pa rin. Sa Powerbooks lang pala talaga may mga documentary copies. Kailangan kasi namin yun para sa finals ng Philippine History at Sociology. Meron naman kasi sa internet kaya hindi ko pinoproblema. Sadyang makulit lang si Claire.

Anyway, nung wala na talaga kaming mahanap, tumingin na lang kami ng damit na gagamitin namin sa foundation day ng school. Siyempre, dahil sa dami ng damit na nakita ko, lumuwa na naman ang mga mata ko. Hahaha! Pero may yellow shirt naman ako kaya hindi na lang ako bumili. Shorts at pink shirt ang binili ko. Wala lang. May mabili lang.

Nung natapos kami mamili, kumain kami sa Karate Kid. At habang naghihintay sa text ng tita ko, napag-usapan namin yung mga nangyari sa school kahapon at kung pano naresolba kanina. Hay. Kay bilis ng araw. Biglang pumasok sa usapan yung mga kahinaan kong subjects nung elementary pa ko.

Sa Miriam College ako nag-elem at hindi cumulative ang grades na nasa card. Puro letters na may corresponding grade. Basta ganun. Haha! Bahala na kayong umintindi. Bata pa kasi ako talagang mahina na ko sa math. Siyempre Christian Living at MAPE ang pinaka madali para sakin. Language wala rin akong problema. Pero yung Reading, hay nako! Problema ko yun dati. Ang pinakamataas na grade ay O* (96-100). Sunod ang O-outstanding (90-95), VS-very satisfactory (86-89), S-satisfactory (80-85), FS-fairly satisfactory (75-79) at ang pinaka mababa ay ang NSH-needs special help (74 below). Nakwento ko kasi kay Claire na sa tuwing kukunin ng mommy ko ang card ko sa school, nagsisimula nang kumulo ang tiyan niya sa sobrang kaba. Dahil paniguradong may NSH siyang makikita sa card ko. Well, bata pa naman ako noon at kahinaan ko ang math. Mahirap naman talaga ang mga numero. Iilan lang naman talaga ang magaling sa math. Sibika or history, isa rin sa kahinaan ko. Hindi ko alam kung bakit hirap na hirap akong intindihin ang mga nakaraan. Buti pa nga noon na sa wikang Filipino itinuturo yun pero hindi ko pa rin maintindihan. Yung isang subject, Reading. Hahaha! Mahina ako dati sa comprehension. Marunong akong bumasa pero mabagal akong magbasa. Dahil siguro sa kabagalan kong magbasa kaya hindi ko naiintindihan kung ano yung binabasa ko. Basta ganun.

Habang pinag-uusapan namin ni Claire yun, natatawa siya sa’kin at natatawa na lang din ako sa sarili ko. At least ngayon hindi na ko ganun diba. Hahaha! Dahil hindi naman ako makakarating ng kolehiyo kung hindi pa rin ako marunong umintindi ng mga binabasa. :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s