GOODBYE FACEBOOK?!


Nabigla ako sa mga nabasa ko kanina nung nag online ako sa Facebook. Nauna kong napansin yung status ng bestfriend ko na hanggang March 15 na lang ang Facebook. Siyempre nawindang ako. Haha! Nung una hindi ako naniwala kasi sa kanya ko lang nalaman. Pero nung nagbukas ako ng Twitter ko, puro ganun din yung bumungad sa’kin. Hanggang sa nabasa ko na yung news sa Tumblr.

Ang hirap na daw kasi i-manage ng buong site. Siyempre yung mga users nalulungkot at naiinis sa nakakagulat na balita. May iba naman na ikinatuwa yung balita lalo na yung mga magulang. Para sa’kin, nakakalungkot. Dalawang taon naging parte ng buhay ko yung site na yun. Halos lahat ng memories nandun dahil sa mga pictures na nilalagay ko dun. Kaya nag-advice din yung isa sa nga namamahala ng FB na hanggat maaga, kunin na ulit yung mga pictures kasi talagang wala ng user ang makakapag bukas ng account nila after March 15.

Marami pa rin ang hindi naniniwala. Ako? Ewan ko. Hindi ko masabi kung naniniwala ako o hindi. Pero uunti-untiin ko na ang pagssave ulit ng mga pictures. Hay! Matrabaho nga pero iniisip ko kasi yung memories na nandun. Okay lang na mawala yung site, wag lang yung mga pictures. Kung sa friends, dun masusukat kung tunay silang kaibigan. Ganun lang ang buhay. Hindi lahat permanente.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s