ETUDE HOUSE


Hindi ko sinayang yung huling araw ng bakasyon ko. Hahaha! Nagpumilit na talaga akong manuod ng sine dahil kahit isang movie ng MMFF ay wala akong napanuod nung Christmas break. Kaya movie date na lang kami ng pinsan ko.🙂 We watched Ang Tanging Ina (Last na ‘to) kasi ang daming positive feedbacks. Okay naman. Balance yung comedy and drama.

After mag movie, kinuha ko na sa wakas yung card ko sa National Bookstore. 2 months ko na ata hindi kinukuha yun eh kaya kinuha ko na talaga kanina. BV lang kasi walang stock na planner ang NBS SM Fairview branch. Yung planner na gusto ko wala dun. Pero sa Trinoma saka SM North kasi meron kaya baka dumaan ako dun bukas bago ako tuluyang umuwi galing school.

Buti na lang hindi ako nakakita ng planner na gusto ko. Dahil bigla kong naalala na meron na nga palang Etude House sa SMF. Natuwa akong bigla at pumunta ako agad dun. Bumili ako ng liquid foundation. Hahaha! Maganda kasi yung foundation nila kaya ayun. Instant member na rin ako kanina dahil sa binili ko. Yay!🙂 Kung nagkataon na nakakita ako ng planner, hindi ko muna mabibili yung foundation kasi baka kulangin ako.

Well anyway, masasabi ko talaga na masayang masaya ang Christmas break 2010 ko. Hindi pa nga rin ako maka get over sa lahat ng mga nangyari eh. SOBRANG SAYA kasi!🙂

Back to reality na ko bukas. 2011, good vibes please.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s