JOPAY


Yesterday was my hair rebond day. Inaasahan ko na magiging okay ang lahat. Kahapon din yung Christmas party ng high school batch ko. I was expecting my rebond session to end early kasi home service naman saka hinahabol ko yung oras ko para umattend ng party.

I kept on sending text messages to one of my classmates who organized the whole event that I might be late or something. Okay lang daw. Kahit mga 8-9pm okay lang na humabol pa ko. Edi ako, mas okay kung ganun. Ako kasi nagsuggest sa kaniya na magkaron kami ng Christmas party kaya inaasahan ako ng lahat. BUT WAIT! Here’s the big problem.

Late na dumating si Jopay. Siya kasi yung assistant ng papa ko tuwing may make-up service eh. Siya talaga yung gumagawa ng mga hair ng mga client. Nung nilagyan na ng unang gamot yung hair ko, okay pa. Tapos pinlansta ulit. Matagal na proseso nga lang kasi natural yung curly hair ko. Pero nung nilagyan na ng pangalawang gamot, dun na nagsimula yung problema. Dapat kasi medyo straight na yung kalalabasan ng hair ko. Pero hindi! Kumulot pa rin siya ng konti. Medyo na-BV ako kasi ang tagal-tagal na ginagawa yung buhok ko tapos ang ending pala palpak. Pero nung nakita naman ni papa yung hair ko habang ginagawa, siya na rin nagsabi na kailangan ng re-touch. Edi okay. Tahimik na lang ako habang binoblower niya yung hair ko na dapat sobrang straight. Hindi talaga ko kumikibo kasi naiinis ako ng sobra. Pero nung natapos ako ng sobrang late na, hinayaan ko na lang. Magtutuos pa kami dahil sa re-touch. Hindi na nga lang ako nakahabol dun sa party.😐 Dumating pa dito yung mga makukulit kong pinsan kaya pinagbantay na lang ako.

Hay! Yung rebond ko kasi, Christmas gift na ng papa ko sa’kin. Eh marami naman siyang kakilala na marunong magrebond kaya home service na lang. Ang problema, hindi sinabi nung isang friend ni papa kay Jopay kung gano ka-kulot yung buhok ko kaya mali ng gamot na nabili.😐 Engot talaga. In fairness to Jopay naman, okay naman siya gumawa. Hindi nga lang prepared masyado kasi may mga bagay na nakalimutan siyang dalhin like yung gunting niya pati yung gloves niya. Naawa ako sa kaniya kasi sobrang nagpaltos yung kamay niya. Well, hindi ko naman kasalanan yun noh. Trabaho niyang ayusin lahat ng gamit niya beforehand.

Yung hair ko ngayon, hindi ganun ka-straight pero hindi rin masyadong kulot. Pero alam niya na hindi ako satisfied sa resulta ng ginawa niya. Ramdam ko rin naman na natakot siya nung hindi perfect straight yung kinalabasan ng buhok ko kasi papagalitan siya ng papa ko. Everyone deserves a second chance. Babalik at babalik pa rin siya dito para ayusin ang buhok ko. Yun lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s