BONFIRE SA TAGAYTAY


December 26, 2010

Napilitan lang akong sumama sa mommy ko papuntang Tagaytay. Wala talaga sa plano ko ang pumunta dun dahil sa choir ko. Biglaan yung alis namin at wala na kong nagawa. Minsan nga lang naman humiling ang mommy ko kaya pinagbigyan ko na lang.

Ang traffic at nakakabagot sa daan kaya lalong umiinit ang ulo ko. Napilitan lang kasi ako at alam kong kailangan ako sa choir kaya ayun. Ilang oras din yung byahe namin papunta dun sa bahay ng mga pinsan ko. Ang daming nagbabakasyon sa Tagaytay dahil sa sobrang dami ng mga sasakyan at buhol-buhol na traffic.

Pag dating namin dun, nagkwentuhan kami, kamustahan at kainan. Gigil na gigil ako sa pinsan naming bago. 4 months pa lang pero parang 6 months na sa laki at bigat. Hahaha! Ang lamig dun. Sobra! Medyo nawawala na yung pagkabagot ko at paunti-unti na kong nag-eenjoy. Ang tagal ko na kasing hindi nakakasama yung mga pinsan ko eh. Sayang lang kasi hindi kami kumpleto.

Nung hapon, naglaro kami ng cards. Nakakatuwa kasi may uling at powder na kasama. Kaya yung mga mukha namin, daig pa ang mga batang lansangan. Hahaha! Hanggang sa pinilit na kami na dun na lang matulog. Nung una ayokong pumayag kasi magpaparebond ako the next day. Pero tinext ko muna papa ko kung pwedeng i-move. Ayun. Nung pumayag, edi go! Overnight na ko with the Cenas… Hahaha! Si mommy at Juliane na lang yung umuwi sa Fairview. Kaming dalawa ni Clarice yung naiwan sa Tagaytay.

Nagdinner kami sa Yellow Cab. Dahil sa sobrang dami ng tao, sa labas kami nakahanap ng vacant table. Ang tindi ng lamig. As in nanginginig ako sa lamig. Ang tagal nila magserve kaya pizza lang yung nakain namin. Pero okay na lang din. Hahaha! Diet ako eh. :)) After Yellow Cab, umuwi na sila mommy tapos kami, umuwi na rin sa bahay ng mga pinsan ko.

Pag-uwi namin, nagset-up na ng tent at bonfire. Nag-inuman kami konti at naglaro ulit ng cards. Enjoy! Sobrang nakakatuwa yung card game (King’s cup) na yun. Naka-ilang card games din kami. Tawanan at kwentuhan buong gabi. 1:30am na kami natulog. BV lang kasi sumakit yung paa ko sa sobrang lamig. Pero kahit na ganun, nag-enjoy pa rin ako ng sobra.

Kanina pagkagising ko, dumeretso ako sa kwarto ng ninang ko pati nung baby niya. Humiga ako saglit doon. Masakit pa rin yung paa ko kaya medyo wala na ko sa mood. Hanggang sa kumain na kami ng almusal. Naka-upo lang ako dun. Kinarga ko si Kodie habang pinang-gigigilan ko. Hahaha! Na-feel ko pa na parang nasusuka ko dahil sa ininom ko kagabi. Tae naman kasi! Ako na nga taga timpla, ako pa taga tikim. Minalas pa ko sa isang card game dahil nabunot ko pa yung King. Ang consequence ay magshot ng purong The Bar. Naman! Di ako umiinom ng walang chaser. Hahaha! Kaya ayun. Uminom na lang ako ng tubig tapos nagpahinga konti.

Nung aalis na, halatang wala na kong energy. Actually meron pa naman kaya lang kasi masama yung pakiramdam ko kaya parang wala na ko sa mood. Natulog na lang ako sa sasakyan. Nagising na lang ako nung bumili si Tito Nel ng mais sa daan. Mula dun, gising na ko. Binaba nila kami ni Clarice sa SM North. Buti na lang galing si mom sa Cavite kaya dinaanan niya kami dun.

What an experience! Nag-enjoy talaga ako ng sobra. Hinihintay ko na lang ma-upload yung mga pictures namin. Hahaha!šŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s