KOPI TIAM


Christmas 2010.

Kahit puyat nung Christmas Eve, gumising pa rin ako ng maaga para magprepare. Actually ginising lang ako ni mom. Hindi naman kasi ako nagset ng alarm dahil ilang days akong puyat para lang makumpleto yung dawn mass. Anyway, nagbreakfast ako konti tapos naligo na.

Nagsimba kami sa St. Pio Chapel sa Libis. Walang naiwang tao dito sa bahay kanina. I was really happy. Nakasama ko kasi ulit magsimba si daddy. Matapos ang ilang taon, ngayon ko na lang ulit siya nakita magsimba. Actually this year na lang ulit. Nung nagsisimbang gabi kasi ako nakikita ko siya sa labas ng church pag tapos na yung mass. Kaya after ko magdasal kanina nung nagcommunion ako, para akong naluluha na ewan. Ang tagal ko kasing pinagdasal na sana may araw na makasama ulit namin ang daddy ko sa simbahan. Well, God is really good. He granted my long time wish.

Maganda ang mood naming lahat. Sayang lang kasi wala yung family ng tito ko. May lakad din kasi sila kaya ayun. After namin magsimba, dumaan muna kami sa condo. Inabutan lang muna ni dad ng food yung mga guard doon. Tapos kumain kami sa Kopi Tiam. That restaurant was suggested by Pokwang. Saka yun na yung pinaka malapit sa condominium kaya dun na lang. First time namin kumain dun kaya nag-uumapaw ang table sa dami ng food. Naka-belt akong dumating dun, wala na kong belt pag-uwi sa sobrang busog. Hahaha! Inalis ko yung belt ko nung kakain na ko ng dessert. Hindi ko din naubos yung food ko. Ang lalaki pala ng servings dun. The best yung vanilla with black gulaman nila. Hahaha!

Pag-uwi, natulog ako. Binawi ko lang yung mga gabing kulang ako sa tulog dahil sa practices and all. Nung gumising ako, nagdinner kami. Ayun. Pinakain ko na rin yung mga aso ko. Hahaha! One of the best Christmases so far.🙂 Sana ganito kasaya yearly…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s