INSTANT CHOIR


Today is the 7th day of simbang gabi and I believe that I will be able to complete it this year.🙂 Nakumpleto ko rin naman yung last year eh. Masarap ang feeling pag nakumpleto yung 9 days ng simbang gabi with friends. Why not family? Eh kasi ako lang naman ang matiyagang gumigising ng maaga para magsimba. Haha!

This day is different. Why? Kasi bigla na lang kami kumanta. Kahapon kami nakaschedule para magchoir, naging okay naman. Yung kanina, nagtaka kami ni Pheng kasi yung commentator yung kumanta ng entrance. Dun pa lang na-feel ko na baka paakyatin kami tapos kami ang pakantahin.

So yun nga ang nangyari. Tinawag kami ni Kuya Alex para umakyat. So sabi ko kay Pheng tawagin na niya si Mark. Nauna na ko umakyat tapos sumunod na rin yung iba. Sayang lang kasi wala akong song book na dala at ayoko nang umuwi pa para kunin lang yun. Malapit na mag Papuri nung nakumpleto kami sa taas. Walang instrumentalist. Ako sana kaya lang wala akong songbook.

Gising na gising yung mga diwa namin kanina dahil sa pag-iisip ng kantang may 4 voices. Para kahit walang piano/guitar, maganda pa rin yung tunog namin. Nakakastress ang mga kaganapan kanina dahil kinakapa namin ang bawat pitch. Aleluya na kami simulang kumanta. In fairness, nagblend naman. Lahat ng songs na sumunod naging okay naman. May mga nakakatawang moments lang pero naging maayos pa rin.

Grabe talaga. After namin kumanta, parang ayaw pa namin bumaba ni Mark. Haha! Akala namin negative comments yung maririnig namin pero sabi nung kapatid niya sa’kin, maganda daw yung result ng biglaang pagkanta namin. Haha! Walang practice yun. Pagod pa kaming lahat dahil sa rummage kahapon pero nagawa pa rin naming kumanta ng biglaan.

Hay! What an experience!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s